Manny Villar, balak nang i-dispose ang PrimeWater ayon kay Sen. Cynthia Villar

Manny Villar, balak nang i-dispose ang PrimeWater ayon kay Sen. Cynthia Villar

  • Inamin ni Sen. Cynthia Villar na plano na ni Manny Villar na i-dispose ang PrimeWater dahil sa patuloy na batikos at kakulangan sa kita
  • Dinepensahan ng senadora ang kumpanya at sinabing may mga structural na dahilan kung bakit hindi maayos ang serbisyo sa ilang lugar
  • Sa kabila ng paglalahad ng mga problema sa water system, tinawag niyang political weapon ang pag-atake sa PrimeWater
  • Iniimbestigahan ngayon ng Local Water Utilities Administration ang serbisyo ng PrimeWater, na kasalukuyang nasa 161 na lungsod at bayan

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Sa harap ng tumitinding batikos sa PrimeWater Infrastructure Corporation, isa sa mga pinakamalalaking water utility companies sa bansa, isinapubliko ni Sen. Cynthia Villar na isinusulong na ng kanyang asawang si Manny Villar ang pagbebenta o "disposal" ng nasabing kumpanya.

Manny Villar, balak nang i-dispose ang PrimeWater ayon kay Sen. Cynthia Villar
Manny Villar, balak nang i-dispose ang PrimeWater ayon kay Sen. Cynthia Villar (đź“·Cynthia A. Villar/Facebook)
Source: Facebook

Ayon sa senadora, hindi na raw ito asset kundi isa nang liability sa pamilya — hindi lang dahil sa mababang kita kundi dahil ginagamit umano ito laban sa kanila sa politika.

Read also

Alma Moreno, umaming umiyak sa hotel room dahil sa interview kay Karen Davila

"At tsaka hindi naman malaki ang ibinabayad sa amin diyan. In fact, gusto ni Manny Villar na i-dispose na ang PrimeWater kasi ginagamit lang na panira sa politika. Hindi naman kami kumikita nang malaki diyan," ani Cynthia Villar sa harap ng mga mamamahayag.

Sa isang press interview, inilahad din ni Villar na may mga lokalidad talaga na mahirap lagyan ng maayos na water system, gaya ng San Jose del Monte sa Bulacan. "Merong mga bayan na may problema talaga sa tubig kahit na gawan natin ng water system, may problema, like yung matataas... So hindi lahat yan kasalanan ng nagpo-provide ng water,” dagdag pa niya

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang pahayag ay kasunod ng imbestigasyon ng Local Water Utilities Administration (LWUA) sa serbisyo ng PrimeWater matapos dagsain ng reklamo mula sa iba’t ibang bahagi ng Luzon, Visayas, at Mindanao. Hanggang ngayon ay wala pang inilalabas na pormal na ulat ang ahensya.

Samantala, sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) nitong Hulyo 28, mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nagpahayag ng pagkabahala sa kakulangan ng maayos na water supply sa bansa. Aniya, higit anim na milyong Pilipino ang apektado ng hindi sapat na serbisyo sa tubig, at nangakong pananagutin ang mga hindi gumaganap nang maayos na water providers.

Read also

Cristy Fermin, palaban ang sagot sa arrest warrant: 'Ibe-bail naman ito at ilalaban sa husgado'

Si Manny Villar ay dating senador at isa sa pinakamayamang negosyante sa Pilipinas, habang si Cynthia Villar ay kasalukuyang senador. Kilala ang pamilya sa kanilang mga negosyo sa real estate, media, at water utilities. Ang PrimeWater ay isang pribadong kumpanya na may kasunduan sa iba’t ibang lokal na pamahalaan upang pamahalaan ang kanilang water supply. May operasyon ito sa mahigit 160 lungsod at munisipalidad, kaya’t malaking bahagi ng bansa ang umaasa sa kanilang serbisyo.

Kamakailan ay naging viral si Cynthia Villar matapos kumalat ang isang video kung saan makikitang tila may hindi pagkakaunawaan sa loob ng simbahan. Sa unaunang ulat, maraming netizens ang nagtaka sa eksena, ngunit wala namang konklusyon kung ano ang tunay na nangyari. Nagdulot ito ng samu’t saring reaksyon sa social media, na nag-ambag rin sa spotlight na kinakaharap ngayon ng pamilya Villar.

Kasunod nito, itinanggi naman ni Cynthia Villar na sinugod niya ang Las Piñas councilor na si Jerry Santos sa loob ng simbahan. Sa panayam, nilinaw ng senadora na hindi niya intensyon ang makipag-komprontasyon at iginiit na nagkataon lamang ang pag-uusap nila ni Santos. Isa ito sa mga insidenteng muling nagbukas sa maselang isyu ng pulitika sa lokal na pamahalaan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: