Lalaki arestado sa modus na "pabarya" sa Metro Manila

Lalaki arestado sa modus na "pabarya" sa Metro Manila

  • Arestado ang isang 33-anyos na lalaki matapos lokohin ang mga empleyado ng mga kainan at convenience store sa Metro Manila sa pamamagitan ng pag-aalok na magpapalit ng pera ngunit tinangay ito at hindi na ibinalik
  • Nagkunwaring empleyado gamit ang uniporme ng convenience store, ang suspek ay nambiktima ng hindi bababa sa 10 establisimyento at nakapagnakaw ng mahigit P140,000 gamit ang kanyang panlilinlang
  • Kinumpronta ng mga empleyado ang suspek sa Eastwood Police Station, kung saan isinalaysay nila kung paano sila nabawasan ng sahod at muntik nang mawalan ng trabaho dahil sa kanyang pagnanakaw
  • Ibinunyag ng mga awtoridad na dati nang may kaso ang suspek ng pagnanakaw sa Valenzuela, Quezon City, at Leyte; ngayon ay nahaharap siya sa reklamong syndicated estafa habang nananawagan ang pulisya sa iba pang biktima na lumantad

Sa kulungan ang bagsak ng isang 33-anyos na lalaki matapos maaktuhang nambibiktima ng mga empleyado sa mga kainan at convenience store sa Kamaynilaan gamit ang modus na "pabarya."

Read also

38-anyos na magsasaka, patay matapos saksakin ng sariling ama sa Ilocos Sur

Photo: Pixabay
Photo: Pixabay
Source: Getty Images

Sa ulat ni James aAgustin sa "Unang Balita" nitong Miyerkules, makikitang galit na kinumpronta ng mga biktima ang suspek sa Eastwood Police Station.

Ayon sa pulisya, Martes ng gabi nang mahuli ang suspek matapos niyang biktimahin ang isang empleyado ng restaurant sa Barangay Bagumbayan, Quezon City.

Nakasuot pa ito ng uniporme ng convenience store at nagkunwaring empleyado.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“Ang modus niya is nag-aalok siya sa mga different restaurants, convenience stores, coffee shops na magpabarya. Then pagkatapos niya ito makuha siguro sa charisma niya o sa pambobola niya, binibigay naman sa kaniya, hina-handout 'yung pera sa kaniya. Then upon mabigay sa kaniya 'yung pera, tatangayin na niya ito," pahayag ni Police Lieutenant Colonel Von Alejandrino.

Nabawi mula sa suspek ang P2,500 at ang unipormeng ginagamit sa krimen.

Lumalabas sa imbestigasyon na umaabot na sa 10 establisimyento ang nabiktima ng suspek, na may kabuuang P140,000 ang natangay.

Sa Leveriza, Pasay City noong Hulyo 18, nakuhanan siya ng CCTV na nagnakaw ng P34,000, habang noong Hulyo 11 sa Taguig City, P13,000 naman ang kanyang natangay.

Read also

75-anyos na lola, brutal na pinatay dahil pinaghinalaang siya ay mambabarang

Aminado ang suspek sa mga krimen at humingi ng tawad.

“Nagawang ko lang din ‘yun dahil naaawa ako sa mga kapatid ko.” Siya’y nahaharap sa kasong syndicated estafa. Nananawagan ang pulisya sa iba pang posibleng biktima na magsumbong.

Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.

Read also

Dalawang lalaki, nasawi sa magkahiwalay na tunnel incidents sa Davao City at Davao de Oro

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Stacy dela Fuente avatar

Stacy dela Fuente (Editor)

Hot: