Isang kongresista, nahuling nanunuod ng e-sabong sa cellphone habang nasa plenaryo
- Isang kongresista ang nakita umanong nanonood ng e-sabong sa cellphone habang nagbubukas ang ika-20 Kongreso
- Nangyari ito mismo habang bumoboto para sa bagong House Speaker
- Hindi pa tukoy kung sino ang mambabatas dahil nakatalikod siya sa camera
- Umani ng libo-libong reaksyon, komento, at memes ang viral na post sa social media
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Source: Facebook
Isang mambabatas ang umani ng batikos matapos siyang makita umanong nanonood ng e-sabong sa kanyang cellphone habang ginaganap ang pagbubukas ng ika-20 Kongreso noong Lunes, Hulyo 28.
Ayon sa ulat ng The Philippine STAR noong Martes, Hulyo 29, napansin siya habang bumoboto ang mga miyembro para sa susunod na House Speaker.
Hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan ng mambabatas dahil nakatalikod siya sa camera.
Kita sa larawan ang kanyang salamin na nakapatong sa noo habang nagna-navigate sa cellphone.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa malapitan, makikita sa screen ang laban na may nakalagay na "1st Fight Left Side" at "2nd Fight Right Side."
Agad na nag-viral ang post sa social media at nakakuha ng mahigit 64,000 reaksyon — karamihan dito ay “Haha” at “Angry.”
Mayroon ding 4,500 komento at 7,200 shares. Maraming netizens ang gumawa ng memes tungkol sa insidente, at may isang user pa na nagsabing, “Habang pumipili ang bansa ng House Speaker, siya naman ay pumipili ng featherweight champion.”
Matatandaang kasalukuyang iniimbestigahan ang mga nawawalang mga sabungero na ayon sa isang whistleblower ay patay na at itinapon ang mga labi nila sa Taal Lake.
Tignan ang mga larawan sa Facebook post sa ilalim:
Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh