Umano'y dating miyembro ng PH Marines, nag-amok; namaril ng mga kabataang kumakain sa karinderya
- Isang 59-anyos na lalaki ang bigla na lang nag-amok at namaril sa Caloocan City
- Sa kuha ng CCTV, makikita ang suspek at ang kanyang kaibigan na naglalakad pauwi
- Ayon sa ulat sa '24 Oras Weekend' ni Bea Pinlac, galing umano sa inuman ang dalawa
- Nang bigla na lang huminto ang lalaki ang kinumpronta ang mga nakatambay na kabataan na kumakain sa karinderya
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Source: Youtube
Isang 59-anyos na lalaki ang bigla na lang nag-amok at namaril sa Caloocan City.
Sa kuha ng CCTV, makikitang magkasamang naglalakad pauwi ang suspek at ang kanyang kaibigan.
Ayon sa ulat ni Bea Pinlac sa '24 Oras Weekend', galing umano sa inuman ang dalawa.
Pagdating sa isang karinderya, bigla na lang huminto ang lalaki at kinumpronta ang mga kabataang nakatambay at kumakain doon.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ayon sa pulisya, sinita umano ng suspek ang mga biktima dahil napagkamalan niyang adik ang mga ito.
Sa isa pang bidyo, kitang may hawak nang baril ang suspek na dati umanong miyembro ng Philippine Marines.
Pilit pa siyang inaawat ng kanyang kasama ngunit ayaw niyang magpapigil at iwinasiwas pa ang dalang baril.
Hindi nagtagal ay kinasa na niya ito at pinaputukan na ang mga biktima. Sugatan ang kaibigan ng suspek samantalang nakatakbo naman papalayo ang ibang mga biktima.
Agad naman naaresto ang suspek sa kanya mismong bahay.
Samantala, hindi na raw magsasampa ng reklamo ang kanyang kaibigan. Ngunit hindi pa rin siya absuwelto sa kasong attempted homic!de at alarms and scandal.
Watch the report in the video below:
Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh