15-anyos muntik saksakin ng lalaking nakilala online dahil ayaw makipagtalik

15-anyos muntik saksakin ng lalaking nakilala online dahil ayaw makipagtalik

  • Arestado ang 26-anyos na lalaki sa Barangay Malanday matapos tangkaing gahasain ang 15-anyos na Grade 9 student na nakilala niya sa isang online messaging app
  • Nang umatras ang biktima sa napagkasunduang pakikipagtalik, tinutukan umano siya ng suspek ng kutsilyo ngunit nahinto ito nang may kumatok sa pintuan
  • Agad nagsumbong ang menor de edad sa kanyang mga magulang at naaresto ang suspek makalipas ang ilang oras; itinanggi ng suspek ang paratang
  • Nagpaalala ang pulisya sa mga magulang na bantayan ang cellphone at curfew ng kanilang mga anak habang nakakulong ang suspek na nahaharap sa attempted rape

Arestado ang isang 26-anyos na lalaki matapos tangkaing gahasain ang 15-anyos na Grade 9 student sa Barangay Malanday, Marikina City, madaling araw ng Linggo, Hulyo 27, 2025, ABS-CBN reported.

Photo: Pixabay
Photo: Pixabay
Source: UGC

Ayon sa Marikina City Police, nagkakilala ang suspek at ang biktima sa isang online messaging application.

“‘Yung suspek at ‘yung victim ay nagkakilala through communication, mga four days na sila nagcha-chat. Nagkasundo na magkita sila, magkakaroon ng sexual acts,” ayon kay Police Colonel Geoffrey Fernandez, Officer-In-Charge ng Marikina City Police Station.

Read also

Titser, nasawi matapos saksakin umano ng asawa dahil sa pagtatalo ukol sa Facebook post

Nagkita ang dalawa sa bahay ng pinsan ng suspek. Ngunit umatras ang estudyante sa napag-usapang pakikipagtalik, kaya’t dito na umano siya tinutukan ng suspek ng patalim.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“Natakot na siya, bigla na siyang tinutukan ng kutsilyo sa mukha,” paliwanag ni PCol. Fernandez.

Sa kabutihang palad, may kumatok na kasamahan ng suspek sa pintuan kaya hindi na natuloy ang masamang balak.

“Pinalabas na, pinabihis na, as if walang nangyari,” dagdag pa ni PCol. Fernandez.

Agad nagsumbong ang biktima sa kanyang mga magulang, na agad namang nag-report sa Women and Children Protection Desk ng Barangay Malanday.

Pagsapit ng tanghali, nahuli ng mga awtoridad ang suspek sa parehong barangay.

Mariing itinanggi ng suspek ang paratang.

“Wala po akong ibang sasabihin, abogado ko na lang po,” aniya. Napag-alaman ding nakulong na siya noong 2020 dahil sa illegal gambling.

Nagpaalala ang pulisya sa mga magulang na bantayang mabuti ang kanilang mga anak, lalo na ang mga menor de edad.

Read also

Binata, patay matapos pukpukin ng martilyo ng kainuman sa Davao

“I-check ng mga magulang ‘yung cellphone nila, tsaka wag nila palalabasin pag 10PM na,” paalala ni PCol. Fernandez.

Nakakulong na ngayon ang suspek sa Marikina Police Custodial Facility at mahaharap sa kasong Attempted Rape.

News, photos, or videos that arouse the interest of netizens would often go viral on social media, due to the attention netizens give them. These viral posts appeal to the emotions of netizens, and in rare cases, this could also happen to ordinary people, making them very relatable stories.

In news abroad, Humaira Asghar Ali’s brother, Naveed Asghar, arrived from Lahore to claim her remains and arrange her burial. Her decomposed body was found in a DHA Phase-VI apartment during a court-ordered eviction; she is believed to have died 8–10 months ago. DNA tests and chemical analyses are underway to confirm her identity and determine the cause of death, as no injuries were found.

Read also

Lalaki pinagtataga at pinukpok ng bato ng kapatid; kinakasama at sanggol, sugatan

In other news, Paolo “Paowee” Tantoco died from coca1ne effects, with heart disease as a contributing factor, according to the LA County Medical Examiner. His death was ruled accidental, and the case remains open under file number 2025-04377. Tantoco passed away on March 8 at the Beverly Hilton Hotel, a day after attending the Manila International Film Festival. He is survived by his wife Dina Arroyo, niece of former First Gentleman Mike Arroyo, and their three children.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Stacy dela Fuente avatar

Stacy dela Fuente (Editor)