PNP Chief Torre inilahad ang ₱16.3M nalikom mula sa charity boxing match

PNP Chief Torre inilahad ang ₱16.3M nalikom mula sa charity boxing match

  • Ibinahagi ni PNP Chief Nicolas Torre III na umabot ng ₱16.3 million ang kabuuang nalikom mula sa charity boxing event kahit hindi sumipot si Acting Davao City Mayor Baste Duterte
  • Ayon kay Torre, ₱350,000 ang kita mula sa ticket sales habang milyon-milyon naman ang nakuha mula sa mga donasyon sa ring
  • Ang mga nalikom ay ibinahagi na sa DSWD, National Red Cross, Quezon City Red Cross, at bahagi rin nito ay dadalhin sa mga lugar tulad ng Baseco para sa karagdagang ayuda
  • Giit ni Torre, mahalaga ang maipamahaging tulong sa mga nangangailangan, kaya hindi na raw siya maghihintay pa sa mga reschedule na mungkahi ni Duterte

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Kahit hindi natuloy ang inaabangang sagupaan nina PNP Chief Nicolas Torre III at Davao City Acting Mayor Baste Duterte, hindi ito naging hadlang para matuloy ang kanilang charity boxing event na layong tumulong sa mga nasalanta ng sakuna.

PNP Chief Torre inilahad ang ₱16.3M nalikom mula sa charity boxing match
PNP Chief Torre inilahad ang ₱16.3M nalikom mula sa charity boxing match (📷Nicolas Torre III/Facebook)
Source: Facebook

Sa ambush interview nitong Linggo, Hulyo 27, 2025, isiniwalat ni Torre na umabot sa ₱350,000 ang ticket sales at mahigit ₱16.3 million ang kabuuang halagang nalikom, kabilang na ang mga cash donations at relief items.

Read also

PNP Chief Torre tinapos na ang usapin sa posibleng boxing rematch kay Baste Duterte

“Itinuloy na lang natin sapagkat marami ang nagbayad. We have to show up and give the people what they expect,” anang PNP chief. Ayon pa sa kanya, nagbigay pa ng dagdag na ₱300,000 ang ilang donors habang nasa ring, dahilan kaya umabot sa milyones ang kabuuang pondo. Hindi lang pera ang naipon; may mga donasyon ding bigas, delata, at iba pang pangunahing pangangailangan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Tiniyak ni Torre na agad nang naipamahagi ang mga tulong sa mga ahensyang nangangasiwa nito. “Ibinigay na namin sa DSWD, sa National Red Cross at Quezon City Red Cross,” aniya. May nakatakda pa raw silang pagdalaw sa Baseco upang maghatid ng karagdagang ayuda. Para kay Torre, mas mahalaga ang makapagbigay ng tulong kaysa sa tapusin pa ang drama ng hindi natuloy na suntukan.

Nang tanungin kung may posibilidad pa ba na ituloy ang laban sa ibang petsa, mariin niyang sinabi na hindi na siya bukas sa ganoong setup. “Ang mga tulong ay kailangan na nating mailabas sa ating mga kababayan. Dapat na nating mai-distribute, hindi makapaghintay ‘yan eh,” dagdag niya. Si Torre ang itinanghal na “winner by default” matapos ang no-show ni Baste Duterte sa orihinal na nakatakdang laban.

Read also

Vice Ganda, kinausap ang Senior VP ng GMA na si Annette Gozon tungkol kay Shuvee Etrata

Si PNP Chief Nicolas Torre III ay isa sa pinakakilalang figure sa hanay ng pulisya sa kasalukuyan. Bukod sa kanyang tungkulin sa seguridad, naging sentro ng balita si Torre matapos tumanggap ng hamon sa boxing match mula kay Baste Duterte. Gayunpaman, higit pa sa tapang sa ring, ipinakita niya ang malasakit sa bayan sa pamamagitan ng paglalaan ng nalikom para sa mga nangangailangan.

Sa naunang ulat ng Kami.com.ph, binigyang-linaw ni PNP Chief Torre ang paratang na pinilit umano ang mga pulis na manood ng charity boxing match. Nilinaw niya na boluntaryo ang lahat ng sumuporta at dumalo sa event, at walang pulis ang inobliga. Paliwanag niya, bahagi ito ng fundraising para sa mga biktima ng sakuna at hindi para sa pansariling interes.

Samantala, ipinakita naman ni Baste Duterte ang DILG-approved travel clearance kasabay ng araw ng laban nila ni Torre. Sa report ng Kami, sinabi nitong lehitimo ang kanyang pag-alis patungong Singapore at bahagi ito ng official leave. Naging laman ng balita ang hindi niya pagdalo sa laban, na nagtulak kay Torre na ideklarang panalo by default.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate