Reporter Izzy Lee, nag-react sa viral blooper niya habang nagre-report ukol sa baha
- Nag-viral sa social media si ABS-CBN News reporter Izzy Lee matapos ang isang nakakatuwang pagkakamali sa kanyang live report tungkol sa baha sa Maynila
- Nasambit niya ang linyang “hanggang binti na ‘yung tuhod” habang inilalarawan ang taas ng tubig sa lansangan
- Nag-react na si Izzy ukol sa blooper at sinabing hindi pa siya kumakain at kulang siya sa tulog nang siya ay nag-uulat kaya’t hindi niya namalayang mali ang kanyang nasabi
- Agad din naman siyang humingi ng paumanhin sa pamamagitan ng isang magaan at nakakatawang post sa Facebook
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nag react na sa social media ang ABS-CBN reporter na si Izzy Lee ukol sa pag-trending niya dahil sa isang nakakatuwang pagkakamali habang nagbabalita.

Source: Instagram
Sa kanyang live report sa kahabaan ng Taft Avenue, sinubukang ilarawan ni Izzy ang taas ng baha. Ngunit sa kalagitnaan ng kanyang ulat, nasabi niya ang viral na linya: “Hanggang binti na ‘yung tuhod!” Agad itong napansin ng mga netizens, at kumalat ang video clip na tila naging instant comic relief sa panahong may kalamidad.
Matapos mag-viral, hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Izzy at agad na nag-post sa kanyang Facebook account. Aniya, “Sorry po, wala pang kain at tulog. Next time kakain muna ako para hindi na hanggang binti ang tuhod. Ingat sa baha, mga Kapamilya!” Ang kanyang pagpapakatotoo at pag-amin sa pagkakamali ay mas lalo pang minahal ng netizens, na hindi lang natuwa sa sablay kundi humanga rin sa kanyang professionalism at sense of humor.
Tangi sa nakakaaliw na reaksyon sa blooper nya, nag post din si Izzy Lee ng behind-the-scenes photo ng kanyang viral blooper. Makikita ang sakripisyo ng matapang na reporter at ng crew sa gitna ng sakuna
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Maaaring panoorin rito ang viral na report ni Izzy Lee ukol sa baha kamakailan:
Si Izzy Lee ay isa sa mga aktibong field reporters ng ABS-CBN News na kilala sa kanyang energy, dedication, at pagiging relatable sa kanyang mga live coverage. Hindi ito ang unang pagkakataon na naging viral siya—mas nauna na siyang naging laman ng balita at memes nang siya ay yakapin ng isang palaboy habang siya’y nagbabalita sa lansangan. Sa kabila ng pressure ng kanyang trabaho, nananatili siyang kalmado at bukas sa kanyang karanasan bilang mamamahayag.

Read also
Xyriel Manabat sa pagiging ate niya: "Gusto ko na ang maaalala nila is family, hindi trauma"
Matatandaang minsang nag-trending din si Izzy Lee matapos siyang biglaang yakapin ng isang estranghero habang nag-uulat sa kalsada. Sa halip na mabigla o matakot, maayos niyang hinarap ang sitwasyon at ibinahagi ito sa social media bilang isang makataong karanasan. Marami ang natuwa at humanga sa kanyang pagkabukas-palad at kalmadong pagharap sa di-inaasahang tagpo.
Sa isa pang balitang may kaugnayan sa ulat ni Izzy, isang netizen ang umaasang sa pamamagitan ng media coverage ay muling matutunton ang kanyang nawawalang tiyahin. Isa ito sa mga pagkakataong pinapakita kung paano nakatutulong ang media, lalo na ang mga reporter na gaya ni Izzy, sa mga personal na hinanakit at pangyayari ng mga karaniwang Pilipino. Ang pagiging visible ni Izzy sa lansangan ay madalas ding maging daan para makarating sa publiko ang mahahalagang impormasyon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh