PNP Chief Torres sa hamon ni acting Davao Mayor Baste Duterte: "12 rounds ng suntukan para maganda"

PNP Chief Torres sa hamon ni acting Davao Mayor Baste Duterte: "12 rounds ng suntukan para maganda"

  • Pumalag si PNP Chief Nicolas Torre III sa hamon ni Davao City acting mayor, Sebastian "Baste" Duterte
  • Matatandaan na hinamon ng suntukan ni Baste si Torre sa isang episode ng 'Basta Dabawenyo' sa social media
  • Sa panayam ng media kay Torre, lumabas na nakarating sa kanya ang bidyo ng paghahamon ni Baste at ito ay kanyang sinagot
  • Pumayag si Torre sa 12-round na boxing match pero aniya, nais niya itong gawing charity match upang makatulong gsa mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo
Nicolas Torre III on Facebook
Sebastian "Baste" Duterte on Facebook
Nicolas Torre III on Facebook Sebastian "Baste" Duterte on Facebook
Source: Facebook

Pumalag si PNP Chief Nicolas Torre III sa hamon ni Davao City acting mayor Sebastian "Baste" Duterte.

Matatandaang hinamon siya ni Baste ng suntukan sa isang episode ng 'Basta Dabawenyo' sa social media.

Sa panayam ng media kay Torre, sinabi niyang napanood niya ang video ng nasabing hamon at agad niya itong sinagot.

Pumayag si Torre sa isang 12-round na boxing match ngunit giit niya, nais niya itong gawing charity match para makatulong sa mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo.

Read also

17-anyos na nagpanggap na dinukot, sa nobyo pala pumunta, ayon sa pulisya

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Tamang-tama, dahil marami ang nasalantala ng bagyo at baha. Maybe we can use this moment or this opportunity to raise funds in a charity boxing match. Para mabilis this coming Sunday sa Araneta," said Torre. "12 rounds pwede, 12 rounds ng suntukan para maganda at para marami-rami ang ma-raise natin."

Matatandaan na si Torre ang namuno nuon ng pag-aresto kay dating pangulong Rodrigo Duterte na ngayon ay nasa The Hague.

Panuorin ang bidyo ng Manila Bulletin sa ilalim:

Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.

Read also

Maggie, walang nang galit sa ex: 'Life's too short for grudges'

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: