Tauhan ng MMDA, patay matapos 19 beses na pagsasaksakin ng kanyang kababata

Tauhan ng MMDA, patay matapos 19 beses na pagsasaksakin ng kanyang kababata

  • Isang 55-anyos na tauhan ng MMDA ang nasawi matapos pagsasaksakin sa Tondo, Maynila
  • Nag-ugat ang insidente sa pagtatalo habang bumibili ng siomai ang biktima at ang suspek na si alias Levi
  • Nagtamo ng 19 na saksak ang biktima at idineklarang dead on arrival sa ospital.
  • Ang suspek ay sumuko sa pulisya at napag-alamang dati nang nakulong dahil sa ilegal na droga

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Unang Balita/GMA-7/GMA Integrated News on YouTube
Unang Balita/GMA-7/GMA Integrated News on YouTube
Source: Youtube

Isang 55-anyos na tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority ang nasawi matapos pagsasaksakin sa Tondo, Maynila noong weekend, ayon sa ulat ni Jhomer Apresto ng GMA Integrated News sa Unang Balita nitong Miyerkules.

Kinilala ang biktima na si Rosauro Suba, miyembro ng MMDA demolition team, na bumibili ng siomai nang magkaroon ng pagtatalo sa suspek na si alias Levi.

Ayon kay Barangay 48 chairman Boyet dela Rea, “Kinukuha ‘yung siomai. Hilaw pa ho ata. Sabi nung may tindahan mamaya na.”

Dagdag pa niya, “Ngayon lumapit 'yung Levi, 'Ikaw kanina ka pa makulit.' 'Yun nagkairingan na tapos 'yun bumunot ng 29. Bata pa lang daw talagang magkaaway na 'yang mga 'yan.”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nagtamo si Suba ng 19 na saksak at agad dinala sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Ayon kay Barangay 49 chairman Ariel Uno Dionisio, sumuko ang suspek sa mga awtoridad.

Dagdag pa niya, dati nang nakulong si Levi dahil sa kasong ilegal na droga at nakalaya lamang anim hanggang walong buwan na ang nakalilipas.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Manila Police District ang suspek habang hinihintay ang kanyang pahayag tungkol sa insidente.

Panuorin ang ulat sa 'Unang Balita' ng GMA 7 (BABALA: SENSITIBONG BIDYO)

Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: