"Shy type" na online seller, may nakakaaliw na paraan sa pagla-live selling na kinagiliwan ng marami
- Isang babaeng live seller ang kinagigiliwan ng marami ngayon sa social media
- Siya ay kilala online ng kanyang mga suki bilang si Jade Velasco, isang raketera online
- Subalit, kakaiba ang paraan niya ng pag-aalok ng kanyang mga tinda dahil siya raw ay "shy type"
- Upang maipagpatuloy ang paghahanap-buhay online, naisipan niyang balutin ang buong katawan niya at magmistulang mannequin
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Source: Original
Isang babaeng live seller ang kinagigiliwan ngayon sa social media.
Kilala siya online ng kanyang mga suki bilang si Jade Velasco, isang masipag at madiskarteng online seller.
Ang nagpapaiba sa kanya ay ang kakaibang paraan niya ng pag-aalok ng kanyang mga paninda dahil aminado siyang isa siyang “shy type” o mahiyain.
Para maipagpatuloy ang kanyang hanapbuhay sa online selling, naisipan niyang balutin ang kanyang buong katawan at magmistulang mannequin habang nagla-live selling sa social media.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ito ay naisipan niya upang maipagpatuloy ang kabuhayan at gayun na din ang mai-model ang kanyang mga binebenta na damit.
Hindi lang siya basta-basta live seller dahil nakukuha rin niyang sumayaw habang siya ay nagpapa-mine sa kanyang mga buyers.
Sa Pilipinas, ang live-selling ay isang paraan ng online pagbebenta kung saan ang seller ay nagla-livestream sa social media tulad ng Facebook, TikTok, o YouTube para ipakita at ibenta ang kanilang mga produkto.
Habang naka-livestream, ipinapakita ng seller ang mga paninda gaya ng damit, gamit sa bahay, pagkain, o beauty products, at diretsong nakikipag-usap sa mga viewers na nanonood online.
Ang mga viewers ay maaaring magtanong tungkol sa produkto at mag-order sa mismong live video sa pamamagitan ng pag-comment.
Karaniwan, mabilis ang bentahan dito at may paunahan sa pag-claim ng item, lalo na kapag may mga promo o discounts.
Ang live-selling ay naging patok sa Pilipinas dahil mabilis, direkta sa customer, at madalas may mga pakulo o aliw na ginagawa ang mga seller habang nagla-live.
Panuorin ang nakakaaliw na bidyo sa balita ni Arnold 'Igan' Clavio:
Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh