Babae, nasagip sa drainage canal matapos pumasok upang maghanap ng pagkain
- Isang 23-anyos na babae mula Cotabato Province ang nasagip mula sa drainage canal sa General Santos City matapos umanong pumasok doon para maghanap ng pagkain
- Isang tricycle driver ang nakakita sa kamay ng babae na lumilitaw mula sa kongkretong takip ng kanal at agad humingi ng tulong sa mga awtoridad
- Rumesponde ang Barangay Bula, pulisya, BFP, at CDRRMO; maingat nilang binuksan ang takip at tinulungan ang babae na makalabas
- Ayon sa imbestigasyon, gumapang ang babae ng humigit-kumulang 300 metro sa loob ng kanal bago siya natagpuan; nasa stable na kondisyon na siya ngayon
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Isang 23-anyos na babae ang nasagip mula sa loob ng drainage canal sa Bula-Lagao Road, General Santos City, matapos umanong pumasok doon para maghanap ng pagkain.

Source: Youtube
Sa ulat ni Efren Mamac sa GMA Regional TV One Mindanao nitong Lunes, isang tricycle driver ang unang nakapansin sa kamay ng babae na lumilitaw mula sa kongkretong takip ng kanal.
Umiiyak umano ang babae at humihingi ng tulong mula sa loob ng imburnal kaya’t agad itong iniulat ng driver sa mga awtoridad.
Rumesponde ang mga tauhan ng Barangay Bula, kasama ang mga pulis, Bureau of Fire Protection, at City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO). Maingat nilang tinanggal ang takip ng kanal upang mailigtas ang babae.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
“Nang mabuksan ang takip, pumasok sa loob ng kanal ang dalawang tauhan ng barangay personnel para tulungang makalabas ang babae, na inakala nila noong una na bata,” ayon sa ulat.
Nahihirapang huminga ang babae kaya agad siyang binigyan ng breathing apparatus at dinala sa ospital matapos ang paunang lunas.
Kinilala ng CDRRMO ang babae bilang isang residente ng Cotabato Province. Sa paunang imbestigasyon, nalaman na naligo siya sa dagat at pumasok sa isang kanal malapit doon upang maghanap ng makakain.
Gumapang umano siya sa loob ng drainage canal hanggang sa marating ang lugar kung saan siya natagpuan, tinatayang 300 metro ang layo mula sa kaniyang pinanggalingan.
Sa kasalukuyan, stable na ang kondisyon ng babae at wala siyang tinamong pinsala.
Ang mga balita, larawan, o video na pumupukaw ng interes ng mga netizen ay kadalasang nagiging viral sa social media dahil sa atensyong ibinubuhos ng publiko. Karaniwan, ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay puwedeng sumikat dahil dito, dahilan upang maging relatable sila sa marami.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, si Josh Mojica, may-ari at CEO ng Kangkong Chips Original, ay naharap sa batikos matapos mag-viral ang kanyang video. Sa Facebook video na in-upload niya noong Hulyo 2, makikitang nagmamaneho siya sa EDSA sakay ng kanyang sports car habang hawak ang kanyang cellphone at kinukuhanan ng video ang sarili, ang sasakyan, at ang kalsada. Dahil dito, umani ng atensyon ang video at umaksyon ang Land Transportation Office (LTO), na naglabas ng suspensyon sa lisensya ni Mojica sa loob ng 90 araw.
Bukod pa rito, naglabas din ng show cause order ang LTO laban kay “Yanna,” isang motorcycle vlogger. Ito ay kaugnay ng viral road rage video kung saan siya at isang pickup driver ay nagkaroon ng sagupaan habang nagmamaneho sa baku-bakong daan sa Zambales. Matatandaang naglabas na si Yanna ng pampublikong paghingi ng tawad sa isang Facebook video. Kaugnay nito, sinabi ni Senador JV Ejercito na bagama’t humingi na ng tawad ang moto-vlogger, nararapat pa rin niyang harapin ang kahihinatnan ng kanyang ginawa.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh