Komadrona na nagtuli sa batang namatay sa Tondo, nakikiusap ng areglo

Komadrona na nagtuli sa batang namatay sa Tondo, nakikiusap ng areglo

  • Umamin ang komadrona na nagtuli sa batang namatay sa Tondo at nakikiusap na makipag-areglo sa pamilya
  • Mariing tumanggi ang ina ng biktima, at nanawagang pagdusahan ng suspek ang ginawa para sa hustisya ng anak
  • Sa autopsy, lumabas na ang anesthesia ang sanhi ng pagkamatay ng 10-anyos na bata
  • Nahaharap ang komadrona sa kasong reckless imprudence resulting in h&micide at illegal practice of medicine

Gustong makipag-areglo ng komadrona na nagtuli sa isang 10 taong gulang na batang namatay sa Tondo, Maynila noong Mayo.

Photo: Pixabay
Photo: Pixabay
Source: Getty Images

Ayon sa kanya, hindi umano niya sinasadya ang trahedyang nangyari.

Naaresto ng Manila Police District ang 68-anyos na suspek noong Hulyo 10 sa Balut, Tondo.

Sa panayam nitong Lunes, umamin ang suspek sa ginawang pagtutuli kahit hindi siya lisensyadong doktor. “Midwife po ako,” ani niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Aniya, wala na siyang hanapbuhay kaya’t nakiusap siya sa mga magulang ng bata.

“Wala na ako talagang trabaho kaya nakikiusap nga ako sa magulang na kung maaari ay mag-usap kaming dalawa na hindi kami — yung galit ba, kasi wala namang may gusto sa nangyari," pahayag ng komadrona.

Ngunit mariing tumanggi si Marjorie San Agustin, ina ng biktima, na makipag-areglo.

“Pagdusahan niya nalang po yung ginawa niya sa anak ko. Para magkaroon po ng hustisya yung pagkamatay ng anak ko,” giit ni San Agustin.

Mayo 17 nang magpatuli si Mc Nathan sa isang clinic sa Balut, Tondo. Makalipas ang wala pang isang oras, namutla at nangitim ang bata, nahirapang huminga, at kalaunan ay binawian ng buhay.

Batay sa autopsy na isinagawa noong Hunyo, ang itinurok na anesthesia ang naging sanhi ng pagkamatay ng bata.

Nahaharap ngayon ang komadrona sa kasong reckless imprudence resulting in h&micide at illegal practice of medicine.

Ang mga balita, larawan, o video na pumupukaw ng interes ng mga netizen ay kadalasang nagiging viral sa social media dahil sa atensyong ibinubuhos ng publiko. Karaniwan, ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay puwedeng sumikat dahil dito, dahilan upang maging relatable sila sa marami.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, si Josh Mojica, may-ari at CEO ng Kangkong Chips Original, ay naharap sa batikos matapos mag-viral ang kanyang video. Sa Facebook video na in-upload niya noong Hulyo 2, makikitang nagmamaneho siya sa EDSA sakay ng kanyang sports car habang hawak ang kanyang cellphone at kinukuhanan ng video ang sarili, ang sasakyan, at ang kalsada. Dahil dito, umani ng atensyon ang video at umaksyon ang Land Transportation Office (LTO), na naglabas ng suspensyon sa lisensya ni Mojica sa loob ng 90 araw.

Bukod pa rito, naglabas din ng show cause order ang LTO laban kay “Yanna,” isang motorcycle vlogger. Ito ay kaugnay ng viral road rage video kung saan siya at isang pickup driver ay nagkaroon ng sagupaan habang nagmamaneho sa baku-bakong daan sa Zambales. Matatandaang naglabas na si Yanna ng pampublikong paghingi ng tawad sa isang Facebook video. Kaugnay nito, sinabi ni Senador JV Ejercito na bagama’t humingi na ng tawad ang moto-vlogger, nararapat pa rin niyang harapin ang kahihinatnan ng kanyang ginawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Stacy dela Fuente avatar

Stacy dela Fuente (Editor)