Ina ng batang nasawi matapos tuliin, bahagyang gumaan ang loob sa pagkakahuli ng kumadrona
- Naaresto ang 68-anyos na kumadrona na nagtuli sa 10-anyos na si Mc Nathan Acuin, na agad namatay matapos ang proseso
- Batay sa autopsy, ang itinurok na anesthesia ang dahilan ng pagkamatay ng bata
- “Sobrang saya po ng puso ko na mabibigyan ng hustisya ang anak ko,” pahayag ng inang si Marjorie San Agustin
- Nahaharap ang suspek sa kasong reckless imprudence resulting in h&micide at illegal practice of medicine
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Source: Getty Images
Bahagyang gumaan ang pakiramdam ni Marjorie San Agustin matapos mahuli ng mga awtoridad ang kumadronang nagtuli sa kanyang anak noong Mayo 17.
Naaresto ng Manila Police District ang 68-anyos na suspek sa Balut, Tondo, Maynila nitong Huwebes, Hulyo 10.
“Sobrang saya po ng puso ko na mabibigyan ng hustisya ang anak ko,” saad ni San Agustin.
Matatandaang ilang oras lang matapos ang pagtuli ay nasawi ang 10-anyos na anak niyang si Mc Nathan Acuin.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Mayo 17 nang magpatuli si Mc Nathan sa isang clinic sa Balut, Tondo, Maynila.
Wala pang isang oras ay nangitim na ang biktima at nahirapang makahinga hanggang sa tuluyang bawian ng buhay.
Sa resulta ng isinagawang otopsiya nitong Hunyo, lumalabas na ang itinurok na anesthesia sa biktima ang naging dahilan ng kanyang pagkamatay.
Bagama’t may pangungulila, positibo si Marjorie na makukuha nila ang hustisya para sa anak.
“Natuwa. Sobrang saya po ng puso ko na mabibigyan po ng hustisya ang anak ko. Kaya nga po sana hindi na makapag-bail po si Doc para po wala na siyang mabiktimang ibang bata… Sobrang sakit po mawalan ng anak, sir, hindi po talaga gano’n kadali. ‘Yong anak ko po talaga ang buhay ko,” dagdag ni Marjorie.
May panawagan rin siya sa mga magulang na balak magpatuli ng anak.
“Kailangan po nilang suriin na magtanong-tanong po kung may lisensya po, kung totoo po bang may doktor, kasi mahirap po talaga mawalan ng anak. Sobra po.”
Nakapiit ngayon sa Raxabago Police Station sa Maynila ang suspek na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in h&micide at illegal practice of medicine.
Mahaharap siya sa kasing reckless imprudence resulting in h&micide at illegal practice of medicine.
Ang mga balita, larawan, o video na pumupukaw ng interes ng mga netizen ay kadalasang nagiging viral sa social media dahil sa atensyong ibinubuhos ng publiko. Karaniwan, ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay puwedeng sumikat dahil dito, dahilan upang maging relatable sila sa marami.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, si Josh Mojica, may-ari at CEO ng Kangkong Chips Original, ay naharap sa batikos matapos mag-viral ang kanyang video. Sa Facebook video na in-upload niya noong Hulyo 2, makikitang nagmamaneho siya sa EDSA sakay ng kanyang sports car habang hawak ang kanyang cellphone at kinukuhanan ng video ang sarili, ang sasakyan, at ang kalsada. Dahil dito, umani ng atensyon ang video at umaksyon ang Land Transportation Office (LTO), na naglabas ng suspensyon sa lisensya ni Mojica sa loob ng 90 araw.
Bukod pa rito, naglabas din ng show cause order ang LTO laban kay “Yanna,” isang motorcycle vlogger. Ito ay kaugnay ng viral road rage video kung saan siya at isang pickup driver ay nagkaroon ng sagupaan habang nagmamaneho sa baku-bakong daan sa Zambales. Matatandaang naglabas na si Yanna ng pampublikong paghingi ng tawad sa isang Facebook video. Kaugnay nito, sinabi ni Senador JV Ejercito na bagama’t humingi na ng tawad ang moto-vlogger, nararapat pa rin niyang harapin ang kahihinatnan ng kanyang ginawa.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh