Isa pang menor de edad na suspek sa pagpatay kay Sophia Coquilla, naaresto na

Isa pang menor de edad na suspek sa pagpatay kay Sophia Coquilla, naaresto na

  • Isang 15-anyos na lalaki ang naaresto bilang ikatlong menor de edad na sangkot sa pagpatay kay Sophia Coquilla sa Tagum City
  • Ayon sa pulisya, sinaksak si Sophia matapos siyang maaktuhan ng mga suspek na nagnanakaw sa kanyang silid
  • Ang mga sangkot ay sinasabing mga kilalang akyat-bahay mula Maragusan, Davao de Oro; narekober na ang ilang ninakaw na gamit
  • Kinondena ng University of the Philippines ang krimen at nagpahayag ng suporta sa pamilya, habang nagluksa rin ang Ateneo de Davao University

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Naaresto ng mga awtoridad ang isang 15-anyos na lalaki na sangkot umano sa brutal na pagpatay sa estudyanteng si Sophia Coquilla sa Tagum City, Davao del Norte, ayon sa ulat ng News5.

Photo: Pixabay
Photo: Pixabay
Source: Getty Images

Kinilala ang suspek sa alyas na “Ryan,” at nadakip ito sa Brgy. Mankilam nitong Biyernes ng madaling araw. Siya ang ikatlong menor de edad na nasangkot sa krimen noong Miyerkoles, Hulyo 10, sa Brgy. La Filipina.

Nauna nang naaresto ang dalawang iba pang suspek na may edad 14 at 17. Patuloy namang hinahanap ang isa pa nilang kasamahan.

Batay sa imbestigasyon, sinaksak si Sophia, 19, sa kanyang silid matapos umanong maaktuhan ang mga suspek na nagnanakaw. Nakuha mula sa kanya ang cellphone, laptop, tablet, at ilang relo.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“It so happened lang talaga na 'yung victim ay gising noong nagnakaw sila. Dahil nakita na daw yung mukha nila kaya nila naisipang saksakin para hindi makapagsumbong,” ayon kay Police Lt. Col. Frederick Deles ng Tagum City Police.

Sa salaysay ng pulisya, kilala umanong akyat-bahay ang grupo at galing sa Maragusan, Davao de Oro.

Nakuhang muli ang ilan sa mga ninakaw na gamit. Makikita rin sa CCTV na pabalik-balik ang mga suspek malapit sa bahay ni Sophia bago ang krimen.

Nagbakasyon lamang si Sophia sa Tagum bago sana bumalik sa kanyang klase sa Maynila.

Kinondena ng University of the Philippines ang insidente at nangakong tutulong sa pamilya.

Nagpahayag rin ng pakikiramay ang Ateneo de Davao University, kung saan honor student si Sophia noong senior high school.

Ang mga balita, larawan, o video na pumupukaw ng interes ng mga netizen ay kadalasang nagiging viral sa social media dahil sa atensyong ibinubuhos ng publiko. Karaniwan, ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay puwedeng sumikat dahil dito, dahilan upang maging relatable sila sa marami.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, si Josh Mojica, may-ari at CEO ng Kangkong Chips Original, ay naharap sa batikos matapos mag-viral ang kanyang video. Sa Facebook video na in-upload niya noong Hulyo 2, makikitang nagmamaneho siya sa EDSA sakay ng kanyang sports car habang hawak ang kanyang cellphone at kinukuhanan ng video ang sarili, ang sasakyan, at ang kalsada. Dahil dito, umani ng atensyon ang video at umaksyon ang Land Transportation Office (LTO), na naglabas ng suspensyon sa lisensya ni Mojica sa loob ng 90 araw.

Bukod pa rito, naglabas din ng show cause order ang LTO laban kay “Yanna,” isang motorcycle vlogger. Ito ay kaugnay ng viral road rage video kung saan siya at isang pickup driver ay nagkaroon ng sagupaan habang nagmamaneho sa baku-bakong daan sa Zambales. Matatandaang naglabas na si Yanna ng pampublikong paghingi ng tawad sa isang Facebook video. Kaugnay nito, sinabi ni Senador JV Ejercito na bagama’t humingi na ng tawad ang moto-vlogger, nararapat pa rin niyang harapin ang kahihinatnan ng kanyang ginawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Stacy dela Fuente avatar

Stacy dela Fuente (Editor)