PCG, pinaliwanag kung bakit mukhang bago ang sako na nasisid sa Taal Lake
- Ipinaliwanag ng Philippine Coast Guard kung bakit mukhang bago ang sako nang ipresenta nila ang mga nasisid nilang buto kamakailan
- It ay binigyang linaw sa isang panayam kahapon, July 11, sa Batangas, kay Philippine Coast Guard SOUTHERN TAGALOG COMMANDER, GERONIMO TUVILLA
- Ani Tuvilla, ang puting sako na nakuhanan ng larawan at bidyo ay ginamit lamang upang paglapagan ng mga buto
- Ito ay nang sa gayon ay mas ma-appreciate raw ang mga nasisid na mga buto kung ito ay kukuhanan ng litrato or mare-record
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Source: Youtube
Ipinaliwanag ng Philippine Coast Guard kung bakit tila bago ang sako na ginamit nang ipresenta nila ang mga butong nasisid kamakailan.
Nilinaw ito sa isang panayam noong July 11 sa Batangas kay Philippine Coast Guard Southern Tagalog Commander Geronimo Tuvilla.
Ayon kay Tuvilla, ang puting sako na nakita sa mga larawan at video ay ginamit lamang bilang lapagan ng mga buto.
Ginawa raw ito upang mas malinaw at maayos na maipakita ang mga nasisid na buto kapag kinukunan ng litrato o video.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ang Philippine Coast Guard ay may mahalagang papel sa imbestigasyon kaugnay ng mga missing sabungeros sa Taal Lake.
Sila ang nangunguna sa search and retrieval operations upang hanapin ang mga posibleng labi ng mga nawawalang sabungero, matapos ang pahayag ni alyas "Totoy" na itinapon umano ang mga katawan sa lawa.
Bahagi rin ng kanilang tungkulin ang pag-secure ng lugar habang isinasagawa ang mga pagsisid upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng operasyon.
Kamakailan, sila ang nagpresenta ng mga nasisid na sako na may laman umanong mga buto na maaaring konektado sa kaso.
Bukod dito, nakikipag-ugnayan din ang Philippine Coast Guard sa iba pang ahensya tulad ng PNP at NBI upang masuportahan ang kabuuang imbestigasyon.
Sa kabuuan, mahalaga ang ginagampanan nilang papel sa pagbigay-linaw sa kaso ng mga nawawalang sabungero sa Taal Lake.
Panuorin ang interview kay Philippine Coast Guard SOUTHERN TAGALOG COMMANDER, GERONIMO TUVILLA, sa bidyo sa ilalim.
Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, itinanggi ng Philippine Coast Guard ang alegasyon ng 'tanim-sako' sa kanilang operasyon sa Taal Lake. Kamakailan lang ay sinimulan na ng PCG ang paghahanap sa mga labi ng mga "missing sabungeros." Ito ay dahil sa pahayag ni alyas "Totoy" na ang mga labi ng mga nawawalang mga sabungero ay itinapon umano sa Taal Lake. Nung nakaraan lamang ay may mga nasisid ang mga tauhan ng Philippine Coast Gurad na sako na naglalaman ng mga buto ng tao.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatal
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh