Batang inutusang kumuha ng malunggay, pinatawa ang pamilya sa kanyang iniuwi
- Isang simpleng utos ang talaga namang nauwi sa halakhakan sa social media
- Nag-post kasi ang isang user na si @rovs_who ng pangyayari sa kanilang bahay
- Tila inutusan ng kanilang mama ang kanyang kapatid na kumuha ng malunggay
- Ngunit, ang dinala ng kanyang kapatid sa bahay ay talaga namang ikinawindang ng lahat
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Isang simpleng utos lang sana ang ibinigay ng isang babae sa isang bata — kumuha ng ilang piraso ng malunggay. Ngunit ang sumunod na eksena ay kinagiliwan ng buong pamilya.

Source: TikTok
Sa isang viral video na ngayon ay may mahigit 9.5 milyong views, makikita ang kakaibang tagpo na unang ibinahagi ng TikTok user na si @rovs_who. Sa simula ng video, maririnig ang taong kumukuha ng clip na nagtatanong tungkol sa inutos ng kanyang kasama, "Anong pinakuha mo, ma?" na agad namang sinagot ng babae, "Malunggay! Ang sabi ko kumuha ng malunggay!"
Ilang saglit pa, ibinaling na nga ang camera sa bata at dun na nakita ng netizens ang dala-dala nito na isang malaki at mahabang tangkay ng malunggay na ikinagulat ng kanyang pamilya.
Habang tawang-tawa ang kumukuha ng video, maririnig pa ang bata na tila dinepensahan pa nga ang pagkuha niya ng nasabing tangkay nang siya ay utusan sa bahay: "Malunggay naman 'to ah."
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Hindi inakala ng marami na ang isang simpleng moment na ito sa araw-araw ay magiging viral na eksena sa social media. Dahil dito, mabilis na umani ng samu't saring reaksyon mula sa netizens ang naturang viral na video ng bata na kumuha ng tangkay ng malunggay:
"Bale, ilang araw po kayo mag-Tinola?"
"ANO PO SABI NG MAY ARI HAHAHAHAHA"
"It's giving 'if he wanted to, he would' vibe, winner!"
"Mukhang 1 week po ata kayong kakain ng malunggay diyan."
"Tapos yung kapitbahay nila nagtataka na pala kung asan yun malunggay nila."
Ilan lang ito sa mga patok at nakakatawang komento mula sa mga nanood ng video sa TikTok.
Kung intensiyon mang magpakain ng buong barangay o simple lang talagang literal na sinunod ang utos, walang duda na ang batang ito ay may 'go big or go home' na attitude. Maging ang mga netizen ay aminadong nahawa sa masayang vibes na dala dala ng viral video na ito sa app.
Panoorin ang video sa ibaba:
Ang mga balita, litrato, o video na pumupukaw ng interes ng mga netizen ay kadalasang nagiging viral sa social media. Ang mga post na ito ay karaniwang umaapela sa emosyon ng mga netizen — at mabilis na nakakapukaw ng malawakang talakayan. Bagama't karamihan sa viral content ay nagtatampok ng mga celebrity o matataas na personalidad, mayroon ding bihira ngunit kapansin-pansing mga pagkakataon na nangyayari ito sa mga ordinaryong indibidwal.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay naglabas na ng opisyal na pahayag ang LBC, isang kilalang courier company. Noong Wednesday, July 9, naglabas ng statement card ang LBC sa Facebook. Ito ay may kinalaman sa kanilang truck at sa isang insidente sa Atimonan. Ani LBC, tinitiyak nilang mai-deliver agad ang shipments.
Samantalang naglabas na ng show cause order ang Land Transportation Office o LTO laban sa mga driver at may-ari ng anim na sports car na tila sangkot sa isang viral na video sa social media. Ang nasabing video na kumakalat ay iniulat na nagpapakita ng karerahan o racing ng mga naturang anim na sasakyan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh