Vendor binaril habang naglalako: love triangle ang tinitingnang motibo

Vendor binaril habang naglalako: love triangle ang tinitingnang motibo

  • Isang 42-anyos na street food vendor ang binaril sa ulo habang abala sa pagtitinda sa Barangay Dologon, Maramag, Bukidnon, at hindi na siya umabot ng buhay sa ospital
  • Ayon sa imbestigasyon, isang lalaking nakasuot ng puting jacket ang lumapit sa vendor at agad siyang binaril sa malapitan bago mabilis na tumakas sa lugar ng insidente
  • Lumalabas na ilang araw bago ang insidente ay nakakatanggap na umano ng mga pagbabanta sa buhay ang biktima, at tinitingnan ng mga pulis ang posibilidad na may kaugnayan ito sa isang love triangle
  • May tinutukoy nang person of interest ang pulisya at kasalukuyan pa ring pinaghahanap habang kinokolekta ang mga ebidensya kabilang na ang mga kuha mula sa CCTV cameras sa lugar

Trahedya ang sumalubong sa katahimikan ng Barangay Dologon, Maramag, Bukidnon matapos barilin at mapatay ang isang 42-anyos na street food vendor habang abala sa pagtitinda. Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktima matapos barilin sa ulo ng isang salaring lumapit at walang sabi-sabing pinaputukan siya sa malapitan.

Vendor binaril habang naglalako: love triangle ang tinitingnang motibo
Vendor binaril habang naglalako: love triangle ang tinitingnang motibo (Photo courtesy: Bukidnon PPO)
Source: Facebook

Ayon sa Bukidnon Police Provincial Office, sinabing nakasuot ng puting jacket ang suspek at mabilis na tumakas sa pamamagitan ng paglalakad lamang. Ayon kay Major Jayvee Babaan:

“According sa investigator, ang suspect nakasuot ng white jacket and nagsibat siya through on foot lang.”

(Ayon sa imbestigador, ang suspek ay nakasuot ng puting jacket at tumakas lamang sa pamamagitan ng paglalakad.)

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Lumabas rin sa imbestigasyon na ilang araw bago ang insidente ay nakakatanggap na ng banta sa buhay ang biktima. Pinaghihinalaang may kaugnayan ito sa umano’y “love triangle” na kinasasangkutan ng vendor.

“Base pud sa statement ng family nitong victim at saka asawa at anak niya mas (malapit) sa love triangle,” dagdag ni Babaan.

(Batay sa pahayag ng pamilya, asawa, at anak ng biktima, mas malapit sa isyu ng love triangle ang tinitingnang motibo.)

Habang patuloy ang imbestigasyon, kinakalap ng awtoridad ang mga posibleng ebidensya mula sa CCTV cameras sa paligid ng lugar. May person of interest na rin silang sinusundan kaugnay ng insidente.

Sa mga nagdaang taon, patuloy na tumataas ang mga kaso ng pamamaril, mula sa riding-in-tandem incidents hanggang sa personal na alitan. Isa sa mga madalas na motibo ay love triangle, ganti, at mga hindi pagkakaunawaan sa negosyo o pamilya. Bagamat may mga polisiya na para sa gun control, nananatiling hamon ang pagsugpo sa mga ganitong karahasang personal at biglaan.

Ang insidente ng pamamaril sa vendor sa Bukidnon ay hindi nalalayo sa ibang kaso ng karahasan na may kaugnayan din sa personal na alitan o pagkakakilanlan ng biktima. Isa sa mga pinakahuling kaparehong insidente ay ang pagkakapaslang sa isang negosyante sa Pampanga na tinambangan ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo. Ayon sa mga ulat, binaril ang biktima sa harap ng kaniyang tindahan at ninakaw pa umano ang dalang bag na naglalaman ng malaking halaga ng pera.

Sa isa namang high-profile na insidente sa Makati, dalawang Chinese nationals ang inaresto matapos pagbabarilin ang isang Pilipinong negosyante sa loob ng isang gusali. Ayon sa pulisya, nag-ugat ang krimen sa umano’y pagtatalo sa negosyo at naunang pagkakautang. Nasamsam sa mga suspek ang ilang baril at mga gamit na maaaring magsilbing ebidensya sa kasong isinampa sa kanila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate