Dalawang menor de edad arestado sa pagpatay sa estudyanteng babae sa Tagum City
- Isang 19-anyos na estudyante ang natagpuang patay sa kanyang kwarto na may 38 saksak sa katawan
- Dalawang menor de edad ang arestado matapos ang hot pursuit operation ng pulisya sa Tagum City
- Ayon sa imbestigasyon, ninakawan ang biktima at pinaslang matapos siyang mabigla ng mga suspek
- Isa sa mga suspek ay may dating kaso ng pagnanakaw habang dalawa pa ang pinaghahanap pa rin
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Isang karumal-dumal na krimen ang yumanig sa Tagum City, Davao del Norte matapos matagpuang patay ang isang 19-anyos na estudyante sa sariling kwarto na may 38 saksak sa katawan. Arestado ang dalawang menor de edad na lalaki na hinihinalang responsable sa brutal na krimen.

Source: Facebook
Batay sa ulat ng Tagum City Police, umuwi kamakailan ang biktima mula sa Maynila kung saan siya nag-aaral. Isang araw lang ang lumipas, natagpuan na siyang wala nang buhay sa kanyang silid. Ayon kay Police Lt. Col. Frederick Deles, may mga sugat ito sa tiyan at leeg na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.
“Matud pa sa SOCO, ang cause of death is katong dinunggaban. Thirty-eight stab wounds ang ihap sa atong SOCO nga mao’y hinungdan sa iyang hinanaling kamatayon. Ang focus sa (samad) kay sa tiyan, pero naa pud dapit sa may liog niya,”
(Ayon sa SOCO, sanhi ng pagkamatay ang pananaksak. Tatlumpu’t walong saksak ang nakita ng SOCO na naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan. Ang pokus ng mga sugat ay sa tiyan, pero meron din sa bandang leeg niya.)
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Nadakip ang dalawang suspek, edad 17 at 14, sa isang boarding house sa tulong ng mga saksi sa isinagawang hot pursuit operation. Sa tulong ng CCTV mula sa kapitbahay, nakita ang dalawang lalaki na paulit-ulit na dumadaan sa tapat ng bahay ng biktima isang araw bago ang insidente.
“Sa initial nga pag-interview nato sa mga dinakpan nga wala daw kalihok dayon ang biktima kay na-surprise pud sa ilaha, nabulaga pud ba. Unya sa ilahang huna-huna, kay nakit-an man ang ilang nawong, nahadlok sila nga ma-follow-up-an sila, madakpan sila. So, ilaha na lang gidunggab daw,”
(Sa unang interbyu natin sa mga nahuli, sinabi nila na hindi agad nakagalaw ang biktima dahil nabigla ito sa kanila. Sa isip daw nila, nakita na ang kanilang mukha kaya natakot silang masundan at mahuli. Kaya raw nila ito pinagsasaksak.)
Bukod sa pamamaslang, kinuha rin umano ng mga suspek ang mga gamit ng biktima gaya ng laptop, cellphone, tablet, at relo. Isang sliding glass window sa likod ng bahay ang pinaniniwalaang dinaanan ng mga salarin.
Ang isa sa mga suspek ay may record na ng pagnanakaw, ayon sa pulisya. Samantala, dalawa pa umanong kasabwat sa krimen ang kasalukuyang pinaghahanap.
Ayon kay Deles, ang mga menor de edad na suspek ay nahaharap sa kasong robbery with h0micide.
“Katong 17 years old kay pwede nato mapasakaan og kaso magkuha lang ta og discernment gikan sa CSWDO. Tapos kining isa, amo pang i-refer gyud sa CSWDO kay naa man ta’y balaod nga below 15 years old, dili pa mafile-an og kaso. Naga-coordinate ta karon sa Fiscal’s Office para maalalayan pud mi sa pag-file sa maong kaso,”
(Ang 17 anyos ay maaari naming kasuhan, pero kailangan muna ng evaluation kung may kakayahan siyang umunawa ng ginawa niya. Yung isa naman, kailangan pa naming i-refer sa CSWDO dahil may batas na nagsasabing hindi pa pwedeng kasuhan ang mga mas bata sa 15 anyos. Nakikipag-ugnayan kami ngayon sa Office of the Fiscal para matulungan kami sa pagsampa ng kaso.)
Ang Juvenile Justice and Welfare Act o Republic Act No. 9344 ay batas na naglalayong protektahan ang mga menor de edad na nasasangkot sa batas. Sa ilalim nito, hindi maaaring sampahan ng kaso ang mga batang wala pang 15 taong gulang. Ang mga nasa edad 15 hanggang 18 naman ay maaaring kasuhan kung mapapatunayang may “discernment” o kakayahang umunawa sa kanilang ginawa. Madalas itong maging sentro ng debate lalo na kapag may kasong mabigat tulad ng pagpatay.
Sa isang naunang ulat ng Kami, isang 80-anyos na lola ang nasawi matapos salpukin ng menor de edad na nagmamaneho ng motorsiklo sa Davao City. Tumatawid sa kalsada ang matanda nang mabangga siya ng rider. Muling napag-usapan ang isyu ng mga batang pinapayagang magmaneho.
Isang hit-and-run incident sa Quezon City ang kinasangkutan ng minor driver kung saan tumilapon ang mga biktima mula sa motorsiklo. Ayon sa ulat, agad tumakas ang batang driver matapos ang aksidente. Muling nabuksan ang usapin tungkol sa pananagutan ng mga menor de edad sa ganitong insidente.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh