Isang sako ng hinihinalang buto, natagpuan 10 metro mula sa pampang ng Taal Lake

Isang sako ng hinihinalang buto, natagpuan 10 metro mula sa pampang ng Taal Lake

  • Natagpuan ang isang sako ng hinihinalang buto sa Taal Lake, 10 metro mula sa pampang
  • Isinasailalim na ito sa forensic examination para matukoy kung buto nga ito ng tao
  • Ayon kay Julie Patidongan, ang mga sabungero ay pinatay at itinapon sa lawa matapos umanong mandaya
  • May mga binanggit na ring personalidad si Patidungan na sinagot na rin ng mga inaakusahan

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Nakuha ang isang misteryosong sako na may lamang mga buto sa Taal Lake. Natagpuan ito sa kalagitnaan ng retrieval operations para sa mga nawawalang sabungero, isang kaso na ngayon ay mas lalong nabibigyang-pansin matapos ang pagputok ng rebelasyon mula kay whistleblower Julie "Dondon" Patidongan.

Isang sako ng hinihinalang buto, natagpuan 10 metro mula sa pampang ng Taal Lake
Isang sako ng hinihinalang buto, natagpuan 10 metro mula sa pampang ng Taal Lake (đź“·Pexels)
Source: UGC

Ang sako ay nakuha mga 10 metro lamang mula sa shoreline, ayon kay Police Col. Geovanny Emerick Sibalo ng Batangas police. Inilipat na ito sa Scene of the Crime Operatives (SOCO) upang masusing imbestigahan kung buto nga ba ito ng tao.

Ayon kay Patidongan, daan-daan umanong sabungero ang pinatay at itinapon sa lawa matapos mapagbintangang nandaya sa online sabong—isang industriya ng sugal na bumaha ng salapi noong kasagsagan ng pandemya. Dagdag pa niya, may ilang prominenteng personalidad na sangkot sa mga krimen. Ang mga nabanggit niyang personalidad ay parehong mariing pinabulaanan ang alegasyon, sa gitna ng tumitinding imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ).

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Julie Patidongan, na kilala rin sa alyas na “Totoy,” ay isa sa mga inaakusahang sangkot sa mga kaso ngunit ngayon ay nagsisilbing potensyal na whistleblower. Matatandaang matagal nang usap-usapan ang pagkawala ng ilang sabungero, ngunit ngayon lamang nabigyan ng linaw matapos ang umano’y rebelasyon ni Totoy na “organized killing” ang naganap. Isa raw itong sistematikong pagtutok at pagpatay sa mga sangkot sa pandaraya sa online sabong.

Sa kasalukuyan, kinukumpirma pa ng mga awtoridad kung tunay ngang mga buto ng tao ang laman ng sako. Kung mapapatunayan, posibleng ito na ang unang pisikal na ebidensya kaugnay sa misteryosong pagkawala ng mga sabungero. Umaasa naman ang mga pamilya ng mga biktima na ito na ang magiging susi sa pagkuha ng hustisya.

Ang kaso ng mga nawawalang sabungero ay isa sa mga pinakamisteryoso at pinakakontrobersyal na krimen sa Pilipinas sa mga nakaraang taon. Nagsimula ang isyu noong 2021 hanggang 2022, kung kailan sunod-sunod na napaulat ang pagkawala ng ilang kalalakihang sangkot sa online sabong o e-sabong—isang uri ng digital cockfighting na sumikat nang husto sa kasagsagan ng pandemya.

Ayon sa ulat ng Kami.com.ph, nanindigan ang kampo ni Gretchen Barretto na wala itong kinalaman sa pagkawala ng mga sabungero. Ipinahayag ng kanilang panig na hindi dapat gamitin ang pangalan ni Barretto upang ilihis ang atensyon mula sa tunay na mga sangkot. “Karapatan ng mga pamilya ang hustisya,” giit nila habang kinikilala rin ang pangangailangan ng masusing imbestigasyon.

Sa isang separate report ng Kami.com.ph, kinumpirma ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil na ilang aktibong pulis ang posibleng sangkot sa kaso ng nawawalang sabungero. Ayon sa kanya, aktibo pa ang mga ito sa serbisyo at sinisigurong isasailalim sila sa masusing imbestigasyon. Pinatutunayan nito ang lawak ng saklaw ng isyu, mula pribadong personalidad hanggang mga miyembro ng kapulisan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: