Whistleblower sa kaso ng mga missing sabungero, ibinunyag ang "tatak ng samahan"

Whistleblower sa kaso ng mga missing sabungero, ibinunyag ang "tatak ng samahan"

  • Ibinunyag ni Julie “Dondon” Patidongan na siya at ilang taong may alam sa pagkawala ng mga sabungero ay may magkakaparehong tattoo bilang simbolo ng samahan
  • Inilahad ni Patidongan sa ulat ng 24 Oras na ang tattoo ng Saint Michael the Archangel ay makikita sa ibaba ng kanyang batok, at mayroon daw silang humigit-kumulang 20 miyembro na may ganitong marka
  • Ayon kay Patidongan, isa sa kanyang dating kakilala na pulis ang nagtangkang takpan ang tattoo ngunit hindi raw ito lubusang natabunan at malinaw pa ring makikilala
  • Sa kabila ng mga banta sa kanyang buhay kabilang na ang pagpapadala sa kanya ng bulaklak na may mensaheng “rest in peace”, iginiit ni Patidongan na hindi siya matatakot at patuloy niyang isusulong ang katotohanan

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Matapang na ibinahagi ni Julie “Dondon” Patidongan ang detalye tungkol sa isang tattoo na umano’y simbolo ng samahan nila ng iba pang may nalalaman sa pagkawala ng mga sabungero. Sa ulat ng GMA News’ 24 Oras sa panulat ni Ian Cruz, sinabi ni Patidongan na ang tattoo ni Saint Michael the Archangel sa kanyang batok ay tanda raw ng pagiging kabilang sa isang grupo na sangkot umano sa kaso ng mga nawawala.

Whistleblower sa kaso ng mga missing sabungero, ibinunyag ang "tatak ng samahan"
Whistleblower sa kaso ng mga missing sabungero, ibinunyag ang "tatak ng samahan" (📷Screengrab from GMA Integrated News/YouTube)
Source: Youtube

“Yung isang kaibigan kong pulis, nagpadala ng picture na binago niya na yung tattoo sa likod. Yung tattoo namin sa dito likod, ngayon pinatakpan na nila. Pero halatang halata kahit takpan pa ninyo ng ilang tattoo ‘yan,” ani ni Patidongan.

Ayon pa sa kanya, mahigit dalawampu silang may ganoong tattoo at isa ito sa mga senyales ng pagiging bahagi sa sinasabing samahan. Hindi raw ito ordinaryong disenyo, kundi may mas malalim na kahulugan kaugnay sa mga insidenteng kinasasangkutan ng grupo.

Hindi rin ikinaila ni Patidongan na matapos niyang lumantad, sunod-sunod ang natanggap niyang pagbabanta. Isa na rito ang isang funeral wreath na ipinadala umano sa kanya. Sa kabila nito, nanindigan siyang hindi siya matitinag.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“Marami. Sa totoo lang, mayroon sa ano ko, pinadalhan ako ng bulaklak na ‘rest in peace.’ Hindi ako matatakot kung sino ka mang Poncio Pilato ka na nagpapadala sa akin ng ganyan. Takutin mo ang lolo mong panot, huwag ako,” mariing tugon ni Patidongan.

Sinabi rin ni Patidongan na nakahanda na ang kanyang affidavit na isusumite sa Department of Justice. Aniya, may ilang detalye pa siyang inaayos ngunit ang dokumento ay halos kumpleto na. “'Yung affidavit na ‘yan, nandiyan na ‘yan. Katulad nung sinabi ko nung nakaraan, kulang pa talaga."

Nagpahayag din ng pasasalamat si Patidongan sa Philippine National Police at tiwala raw siyang magiging patas ang Department of Justice sa paghawak ng kaso.

Si Julie “Dondon” Patidongan ay dating chief of security umano sa isang kilalang sabungan at nagtrabaho rin sa ilang farm facilities. Naging sentro siya ng atensyon matapos siyang lumantad bilang whistleblower sa kaso ng mahigit tatlumpung sabungerong nawawala simula pa noong 2021. Ang kanyang mga rebelasyon ay naging laman ng pambansang balita at nagbukas ng panibagong linya ng imbestigasyon ukol sa umano’y mga patayan at cover-up.

Sa gitna ng matagal nang pananahimik, nanawagan ang ina ng isa sa mga nawawalang sabungero ng katarungan. Umaasa siyang sa paglabas ng mga bagong ebidensiya at testigo gaya ni Patidongan, ay mas mapapabilis ang pag-usad ng kaso.

Naglabas ng saloobin ang misis ni veteran journalist Emil Sumangil sa social media upang humingi ng panalangin para sa kanyang asawa na aktibong nag-uulat tungkol sa mga kontrobersyal na kaso kabilang na ang isyu ng nawawalang sabungero. Binanggit niyang mas lumalalim na ang takot nila sa mga banta sa kaligtasan ni Emil.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: