Misis ni Emil Sumangil, humingi ng dasal at proteksyon para sa journalist

Misis ni Emil Sumangil, humingi ng dasal at proteksyon para sa journalist

  • Naglabas ng panalangin ang misis ni Emil Sumangil, journalist at reporter ng GMA News
  • Ang panalangin ay para sa kanyang kaligtasan
  • Isang host si Sumangil ng 24 Ors
  • Pinuri ni Michelle Sumangil ang publiko sa kanilang malasakit, dasal, at panawagang protektahan ang beteranong mamamahayag

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Isang taos-pusong panalangin ang inilabas ng misis ni Emil Sumangil, isa sa mga anchor ng 24 Oras, para sa kaligtasan ng kanyang asawa sa gitna ng tumitinding sabungero controversy. Sa kanyang post ngayong Biyernes, Hulyo 4, inilahad ni Michelle Sumangil ang pasasalamat sa mga netizens na unang nanawagan para sa proteksyon ni Emil. Aniya, “Your concern, prayers, and vigilance brought light and strength to us during this time.”

Emil Sumangil
Emil Sumangil
Source: Facebook

Kalakip ng kanyang mensahe ang panawagan sa Diyos: “Dear Lord, thank You for Your constant protection and grace. We lift up Emil into Your loving hands. Surround him with Your divine shield and keep him safe from harm…” Tinapos ito sa isang Bible verse na tila panangga sa banta: “No weapon formed against you shall prosper…” – Isaiah 54:17.

Sumangil
Misis ni Emil Sumangil, humingi ng dasal at proteksyon para sa journalist
Source: Facebook

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naging sentro si Emil Sumangil ng pansin matapos ang sunod-sunod na panayam kay Julie "Dondon" Patidongan o mas kilala bilang Alias Totoy, ang whistleblower na nagbunyag ng umano’y mga detalye sa pagkawala ng mga sabungero mula pa Enero 2022.

Dahil dito, umani ng suporta si Emil mula sa publiko, lalo na’t tila nasa panganib ang kanyang kaligtasan.

Si Emil Sumangil ay isa sa mga kilalang broadcast journalist sa Pilipinas, na kasalukuyang anchor ng 24 Oras Weekend at isang reporter ng GMA Integrated News. Sa mahabang panahon sa serbisyo publiko, kilala siya sa pagtutok sa mga malalaking kriminal na kaso at dokumentaryong tumatalakay sa katotohanan. Dahil sa kanyang masusing pagbabalita, naging boses siya ng mga naghahanap ng hustisya.

Sa panayam ng 24 Oras, ibinunyag ni Alias Totoy na may patong na umano ang kanyang ulo matapos isiwalat ang mga nalalaman tungkol sa pagkawala ng mga sabungero. Giit niya, walang personal na motibo kundi ang maisiwalat ang katotohanan sa publiko.

Sa pamamagitan ng kanyang legal counsel na si Atty. Alma Mallonga, itinanggi ni Gretchen Barretto ang anumang koneksyon sa kaso. Ayon sa abogado, naging biktima pa umano si Barretto ng tangkang pangingikil kapalit ng pagtanggal sa kanyang pangalan sa listahan ng mga pinangalanan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate