Totoy, isiniwalat ang papel ng sikat na showbiz personality sa 'alpha group' ng sabungero case
- Isiniwalat ni alyas "Totoy" na isang sikat na babaeng celebrity ang kasama umano sa "alpha group" sa sabungero case
- Ayon kay Totoy, aktibo raw sa mga pagpupulong ang nasabing artista at may malalim umanong kaalaman sa krimen
- Naghahanda na si Totoy na isumite ang kanyang affidavit na babanggit ng pangalan ng celebrity at iba pang ebidensya
- Iniimbestigahan na ng Napolcom ang alegasyon at nananawagan sa mga testigo na lumutang
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Batay sa ulat ni Mariel Celine Serquiña ng GMA Integrated News para sa "24 Oras" noong Hunyo 26, 2025, isiniwalat ni alyas “Totoy”—ang whistleblower sa kaso ng mga nawawalang sabungero—na may isang kilalang babaeng celebrity na miyembro umano ng tinatawag na “alpha group” na nasa likod ng pagkawala ng mahigit 100 cockfighting enthusiasts sa bansa.

Source: Original
“May isang babaeng celebrity, di ko naman pangalanan at alam na nila yan. Kasama siya sa alpha member. Ibig sabihin kasama siya sa grupo,” ani Totoy sa panayam.
Dagdag pa niya, ang nasabing artista ay bahagi rin ng mga pagpupulong kaugnay sa operasyon at aniya'y “isa rin siya na susi kung sakali. Siya ang mas marami din alam.”
Ayon sa kanya, isusumite na lamang niya ang kanyang affidavit kapag nakumpleto na ang ebidensyang magpapatibay sa kanyang mga alegasyon. Plano rin umano niyang magsama ng mga tao o testigo na maaaring sumuporta sa kanyang mga pahayag.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa gitna ng mainit na usapin, nagpahayag din ng panig ang National Police Commission (Napolcom). Ayon kay Vice Chairperson Atty. Rafael Calinisan, “Ang pinaka-susi dyan lumutang ang complainant... Siya ay dapat maghain ng kanyang reklamo sa Napolcom. Aksyunan natin ito.”
Giit ni Calinisan, hindi nila palalagpasin ang sinumang pulis na mapatunayang sangkot. “’Di tayo magdadalawang isip kung kailangan natin disiplinahin at tanggalin sa serbisyo at i-dismiss ang mga involved na police, gagawin natin ito,” aniya.
Habang patuloy ang imbestigasyon, umaasa si Totoy na matutukoy at mapanagot hindi lamang ang mga sibilyan at opisyal kundi pati na rin ang mga personalidad mula sa showbiz na umano’y may direktang kaalaman sa mga nangyari.
Si alyas “Totoy” ay dating akusado ngunit ngayo’y pangunahing testigo sa kasong kinasasangkutan ng 34 hanggang mahigit 100 nawawalang sabungero. Sa kanyang pagsisiwalat, sinabi niyang ang mga ito ay pinatay at inilibing umano sa ilalim ng Taal Lake. Ayon sa kanya, kasama sa grupo ang ilang opisyal ng pulisya, mga drug lord, at isang sikat na babaeng celebrity na bahagi raw ng "alpha members" ng operasyon.
Ang kaso ay patuloy na sinusubaybayan dahil sa lawak ng sangkot at lalim ng impluwensyang binabanggit—mula sa underground e-sabong operations, hanggang sa ilang tauhan ng gobyerno at kilalang personalidad sa industriya ng aliwan.
Matatandaang binunyag ni Totoy na nakatatanggap na ng pagbabanta ang kanyang pamilya matapos ang kanyang pagsisiwalat ukol sa sinapit ng mga nawawalang sabungero. Nanawagan siya ng karampatang proteksyon mula sa mga awtoridad para matiyak ang kaligtasan nila.
Ayon sa ulat, ang Philippine Coast Guard ay nakahanda nang isagawa ang retrieval mission sa ilalim ng Taal Lake matapos ang rebelasyon ni Totoy. Gumagamit sila ng sonar technology at remotely operated vehicles upang hanapin ang sinasabing mass grave ng mga biktima.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh