Lalaki, binuhusan ng gasolina at sinilaban habang nagse-cellphone; umano'y rason, selos

Lalaki, binuhusan ng gasolina at sinilaban habang nagse-cellphone; umano'y rason, selos

  • Isang 28-anyos na lalaki ang kritikal ang kalagayan sa hospital matapos buhusan ng gasolina at silaban ng isang lalaki
  • Ang karumal-dumal na krimen ay nangyari sa Barangay Pitogo, Taguig City
  • Sa kuha ng CCTV na ibinahagi ng 'Unang Balita' sa GMA 7, kita ang isang lalaking naka-upo habang gumagamit ng cellphone
  • Nang bigla namang pasok ng isa pang lalaki at walang anu-ano'y bigla na lamang niyang sinabuyan ng gasolina ang biktima at sinilaban

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Kat Wilcox on Pexels
Kat Wilcox on Pexels
Source: Original

Isang 28-anyos na lalaki ang nasa kritikal na kondisyon sa ospital matapos buhusan ng gasolina at silaban ng isang lalaki.

Ang karumal-dumal na krimen ay naganap sa Barangay Pitogo, Taguig City.

Sa kuha ng CCTV na ibinahagi ng 'Unang Balita' sa GMA 7, makikitang may isang lalaking nakaupo habang abala sa paggamit ng kanyang cellphone.

Bigla na lamang pumasok ang isa pang lalaki at, nang walang babala, sinabuyan ng gasolina ang biktima at agad itong sinilaban.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Agad nagliyab ang biktima na siya namang pulasan ng mga iba pang residente. Ang isang babae na naglalaba, nadamay rin.

Habang ang suspek na inabot din ng apoy ay dali-daling tumakas papalayo sa pinangyarihan ng krimen.

Dinala sa hospital ang biktima na kritikal ngayon ang lagay dahil sa third-degree burns na tinamo niya sa iba't-ibang bahagi ng kanyang katawan.

Ayon sa barangay, dati nang may alitan ang biktima at suspek na nagka-usap na raw nuon kung saan humingi ng paumanhin ang suspek sa biktima.

Ayon sa ina ng biktima, halos hindi na raw niya makilala ang kanyang anak. Sa kanyang tingin ay selos ang dahilan kaya nagawa ng suspek ang krimen sa kanyang anak.

Dati na rin daw pinagbantaan ng suspek ang biktima.

Watch the report in the video below:

News, photos, or videos that arouse the interest of netizens would often go viral on social media, due to the attention netizens give them. These viral posts appeal to the emotions of netizens, and in rare cases, this could also happen to ordinary people, making them very relatable.

In a previous report by KAMI, a family of three was mercilessly shot and killed inside their store in Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Caught by CCTV, three men entered their store, closed the roll-up door, and shot the entire family to death. Before fleeing, one of the suspects even grabbed a bag and a mobile phone from the victim. In a report by Gary De Leon of TV 5's 'Frontline Pilipinas,' the family started getting threats after lending P1-M to one of the residents of their barangay; allegedly using the money for business.

In another viral local report, a 51-year-old public school teacher in Las Piñas City was stabbed multiple times by her own husband. According to the report of EJ Gomez in 'Unang Balita,' the 38-year-old suspect committed the crime inside the school's faculty room. Police authorities said the school has a security guard, but, being a familiar face in the school, the suspect managed to easily get in and out of the school. The suspect said he was there to talk to his wife and settle their misunderstanding, but unfortunately, it led to a big arguement.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: