Singer, itinumba habang naglalaro ng BINGO; suspek, nagkunwaring iimbitahan kumanta ang biktima

Singer, itinumba habang naglalaro ng BINGO; suspek, nagkunwaring iimbitahan kumanta ang biktima

  • Isang singer mula sa Talisay, Batangas ang pinatay sa pamamagitan ng pagbaril sa kanyang ulo
  • Sa isang exclusive video na kuha ng Talisay Municipal Police Station, naaresto ng mga awtoridad ang suspek na si alyas "Tagalog"
  • Sa isang ulat sa SAKSI ng GMA 7, ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, naglalaro ng BINGO ang biktima bago mangyari ang pamamaril
  • Dumating ang suspek at nilapitan ang biktima na nagkunwaring aalukin ang biktima na kumanta sa isang event

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Kat Wilcox on Pexels
Kat Wilcox on Pexels
Source: Original

Isang singer mula sa Talisay, Batangas ang pinaslang matapos barilin sa ulo.

Sa isang exclusive video na kuha ng Talisay Municipal Police Station, makikita ang pagkakaaresto ng mga awtoridad sa suspek na si alyas "Tagalog."

Sa ulat ng SAKSI ng GMA 7, ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, naglalaro ng BINGO ang biktima bago naganap ang pamamaril.

Dumating ang suspek at nilapitan ang biktima na nagkunwaring inaanyayahan itong kumanta sa isang event.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Subalit, bigla na lang binaril ng suspek sa ulo ang biktima.

Nang nagkaroon ng back-tracking sa mga kuha ng CCTV sa lugar, positibong nakilala ang suspek at kinalaunan ay natunton ng mga pulis ang suspek sa isang compound sa Barangay Aya.

Na-recover sa naarestong suspek ang isang kalibre-45 na baril na siya umanong ginamit niya sa krimen.

Nakumpiska rin mula sa suspek ang kanyang jacket at sumbrero na kanyang suot nung araw ng pamamaril, kasama na rin ang motor na ginamit niya upang tumakas matapos barilin ang biktima.

Ayon sa mga pulis, inupahan daw ang suspek upang itumba ang biktima. Gayunpaman, inaalam pa ng mga awtoridad ang mismong nag-utos sa suspek na gawin ang pamamaril.

Kakasuhan ng murder ang suspek na mariing itinanggi ang mga paratang sa kanya. Subalit, ang mga kaanak ng biktima ay positibo naman siyang kinilala.

Dagdag pa ng Talisay MPS, kakalaya lang ng suspek nuong nakaraang linggo matapos nitong magpiyansa.

Siya ay nakasuhan nuon ng Illegal Possession of Firearm at paglabag sa Omnibus Election Code nuong nakaraang eleksyon.

Watch the report in the video below:

News, photos, or videos that arouse the interest of netizens would often go viral on social media, due to the attention netizens give them. These viral posts appeal to the emotions of netizens, and in rare cases, this could also happen to ordinary people, making them very relatable.

In a previous report by KAMI, a family of three was mercilessly shot and killed inside their store in Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Caught by CCTV, three men entered their store, closed the roll-up door, and shot the entire family to death. Before fleeing, one of the suspects even grabbed a bag and a mobile phone from the victim. In a report by Gary De Leon of TV 5's 'Frontline Pilipinas,' the family started getting threats after lending P1-M to one of the residents of their barangay; allegedly using the money for business.

In another viral local report, a 51-year-old public school teacher in Las Piñas City was stabbed multiple times by her own husband. According to the report of EJ Gomez in 'Unang Balita,' the 38-year-old suspect committed the crime inside the school's faculty room. Police authorities said the school has a security guard, but, being a familiar face in the school, the suspect managed to easily get in and out of the school. The suspect said he was there to talk to his wife and settle their misunderstanding, but unfortunately, it led to a big arguement.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: