Lolo mula Leyte, pursigidong makapagtapos ng pag-aaral sa edad 70
- Isang 70-anyos na lolo mula Leyte ang hinangaan online matapos siyang mag-enroll bilang Grade 7 student
- Sa mga litratong ibinahagi sa Facebook, makikita si Tatay Jose na naka-uniporme at may dalang bag gaya ng ibang estudyante
- Ayon sa kanyang teacher, sa ikalawang araw pa lang ng klase ay dama na ang kanyang interes at sipag sa pag-aaral
- Naging inspirasyon siya ng marami, patunay na ang edukasyon ay walang pinipiling edad
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Muling pinatunayan ng isang lolo mula sa Leyte na ang pag-aaral ay walang pinipiling panahon o edad, matapos niyang mag-enroll bilang Grade 7 student sa edad na 70. Si Tatay Jose P. Rallos, residente ng Barangay Union, Mahaplag, Leyte, ay kasalukuyang pumapasok sa Mahaplag National High School, kung saan sabay siyang nag-aaral kasama ang mga mas batang estudyante.

Source: Facebook
Sa isang Facebook post ni John Renz Montiman, isang teacher sa nasabing paaralan, ibinahagi niya ang ilang mga larawan ni Tatay Jose na naka-school uniform at may dalang bag. Ayon sa kanya, “Second day of school for Tatay Jose, our 70-years young Grade 7 student! Proof that learning has no age limit. It’s never too late to learn.” Agad na naging viral ang mga larawan at umani ng positibong reaksyon mula sa netizens.
Marami ang naantig sa dedikasyon ni Tatay Jose at lalo pa silang humanga sa kanyang katatagan ng loob at pagpapahalaga sa edukasyon. Sa kabila ng kanyang edad, hindi ito naging hadlang para sa kanya na ituloy ang matagal nang pangarap na makapag-aral. Sa panayam ng kanyang teacher, sinabi nitong kahit ikalawang araw pa lang ng klase ay dama na ang sigla at determinasyon ni Tatay Jose sa pag-aaral.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ang edukasyon ay isa sa pinakamahalagang pundasyon ng buhay ng tao. Hindi lamang ito nagbibigay ng kaalaman, kundi pati na rin ng kakayahang unawain ang mundo at gumawa ng matalinong desisyon. Para sa ilan, ang pagkakataong makapag-aral ay hindi agad dumating, ngunit patuloy pa rin silang lumalaban upang abutin ito kahit sa mas huling yugto ng kanilang buhay. Walang pinipiling edad ang karunungan, at ang mga kwento tulad ng kay Tatay Jose ay patunay na hindi kailanman huli ang lahat para matuto.
Isang 64-anyos na lolo ang nagtapos kamakailan sa University of Santo Tomas matapos ang ilang dekadang paghihintay. Sa ulat, kabilang siya sa Batch '79 at ngayon ay bahagi na ng Batch 2025, matagumpay na natapos ang kanyang pag-aaral. Isa itong patunay na kahit gaano man katagal o kahirap ang paglalakbay, maaabot pa rin ang diploma sa tamang panahon.
Isa ring 70-anyos na lola ang naging usap-usapan online matapos niyang matagumpay na maakyat ang tuktok ng Mt. Apo, ang pinakamataas na bundok sa bansa. Ibinahagi ng kanyang pamilya ang karanasan sa social media, kung saan maraming netizens ang na-inspire sa kanyang lakas at determinasyon. Tulad ni Tatay Jose, pinatunayan ng lola na ang edad ay hindi hadlang sa pag-abot ng mga pangarap.
Ang kwento ni Tatay Jose ay hindi lamang inspirasyon sa kanyang mga kaeskwela kundi paalala rin sa ating lahat na ang edukasyon ay kayamanang hindi mananakaw, anuman ang edad o katayuan sa buhay.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh