Bata, patay dahil sa rabies; 30 katao isinailalim sa anti-rabies immunization
- Isang 9 na taong gulang na batang lalaki ang pumanaw dahil sa rabies matapos makagat ng ligaw na aso
- Hindi agad nagsabi ang bata sa kanyang mga magulang tungkol sa kagat, kaya hindi ito naagapan
- Isang shot lang ng anti-rabies vaccine ang naibigay matapos makita ang sintomas
- Kinain ng nasa 30 residente ang asong kumagat sa bata, ngayon ay naka-quarantine at naka-immunize
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Isang nakalulungkot na insidente ang naganap sa Malapatan, Sarangani, kung saan isang siyam na taong gulang na batang lalaki ang nasawi matapos makagat ng isang ligaw na aso.

Source: Facebook
Ayon sa ulat ng Sarangani Provincial Health Office, noong Mayo 18, 2025 ay nakagat ng aso ang bata habang naglalaro. Sa kasamaang palad, hindi ito agad sinabi ng biktima sa kanyang mga magulang kaya hindi rin agad ito naipatingin sa ospital.
Noong Hunyo 9, 2025, nagsimulang magpakita ng mga sintomas ang bata tulad ng pangangayayat, takot sa tubig, at hallucinations — mga karaniwang senyales ng rabies.
Kaagad siyang nabigyan ng isang dose ng anti-rabies vaccine, ngunit ayon kay Dr. Alvin Alejandro, head ng Sarangani Provincial Health Office, “most likely the rabies is already in the brain.” Dagdag pa niya, “The moment the rabies, the virus is in the brain kahit billion ang pera mo, mamamatay talaga ang pasyente.”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Mas lalong kumalat ang atensyon sa insidenteng ito nang mapag-alaman ng mga awtoridad na ang asong may kagat ay kinatay at kinain ng mga residente. Tinatayang nasa 30 katao ang kumain sa karne ng nasabing aso. Ang mga taong ito ay agad isinailalim sa anti-rabies immunization upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng sakit.
Sa kasalukuyan, pinapaalalahanan ng mga health official ang publiko na huwag maliitin ang kagat ng aso o pusa at agad na magpatingin sa health center kahit gaano kaliit pa ito. Anumang delay sa pagpapagamot ay maaaring magdulot ng kamatayan, gaya ng naranasan ng batang biktima sa Sarangani.
Ang rabies ay isang viral disease na nakakaapekto sa central nervous system ng tao. Maaari itong makuha sa kagat, kalmot, o laway ng infected na hayop, kadalasan mula sa mga aso. Kapag ang virus ay nakapasok na sa utak, halos imposibleng maligtas ang pasyente — kaya naman napakahalaga ng early intervention gamit ang Post-Exposure Prophylaxis (PEP) o anti-rabies shots.
Sa Pilipinas, patuloy pa ring nakapagtatala ng mga kaso ng rabies-related deaths taon-taon, kadalasan sa mga probinsya kung saan may kakulangan sa access sa sapat na impormasyon at bakuna.
Sa isang panayam matapos ang ilang magkakasunod na kaso ng rabies, muling pinaalalahanan ni Dr. Alvin Alejandro ang publiko ukol sa kahalagahan ng tamang bilang ng anti-rabies doses. Giit niya, hindi sapat ang isang shot lamang lalo na kung matagal nang nangyari ang kagat.
Isang babae mula sa Bataan ang pumanaw matapos ang halos siyam na buwang delay sa pagpapagamot mula sa kagat ng aso. Ayon sa ulat, hindi raw siya nabigyan ng kumpletong bakuna, at kalauna’y dumanas na ng hallucinations, takot sa liwanag at tubig — senyales ng advanced rabies.
Ang trahedya sa Sarangani ay isang malungkot na paalala kung gaano kabilis makakamatay ang rabies, at kung gaano kahalaga ang agarang pagresponde matapos ang kagat ng hayop. Panawagan ng mga health official: huwag mag-atubiling magpakonsulta at magpabakuna—dahil sa rabies, isang kagat lang ay puwedeng ikamatay.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh