Xian Gaza, muling nagparamdam: "Wala po akong new FB"

Xian Gaza, muling nagparamdam: "Wala po akong new FB"

- Ipinahayag ni Xian Gaza na hindi siya nawawala o nagtatago, kundi pansamantalang umalis sa social media para mapanatili ang kanyang mental health

- Ayon sa kanya, pinatrabaho raw ang kanyang Facebook account upang pigilan umano siyang magsalita tungkol sa isang hindi pinangalanang isyu

- Sa gitna ng lahat, nagpahatid siya ng mensahe kay Sachzna Laparan, nagpahayag ng pangungumusta, at nag-alok pa ng business proposal ukol sa Kiffyfied brand

- Idiniin ni Xian na masaya siya ngayon sa tahimik na buhay sa Thailand at tila mas pinipili ang katahimikan kaysa sa matagal na niyang "pagma-Marites"

Nagbigay muli ng pahiwatig si Xian Gaza sa publiko matapos ang tila biglaang pagkawala niya sa social media. Sa pamamagitan ng mensaheng personal niyang ipinadala kay content creator Sachzna Laparan, nilinaw ni Xian na siya ay nasa mabuting kalagayan, at hindi aniya siya nagtatago kundi pinatahimik lamang dahil sa isyung hindi niya pinangalanan. “They need to silence me para hindi lumabas ang katotohanan,” aniya.

Xian Gaza, muling nagparamdam: "Wala po akong new FB"
Xian Gaza, muling nagparamdam: "Wala po akong new FB" (📷Christian Albert Gaza/Facebook)
Source: Facebook

Sinabi rin ni Xian na ang kaniyang Facebook account ay “pinatrabaho,” dahilan kung bakit wala siyang bagong opisyal na account sa ngayon. Nilinaw niya ito upang matigil ang pagkalat ng mga pekeng account na nagkukunwaring siya. Aniya, wala rin daw siyang balak bumalik agad sa social media sa ngayon dahil “masarap palang mabuhay na malayo sa ingay ng Pilipinas.”

Ngunit sa gitna ng lahat ng ito, tila hindi lang pagbabalik kundi business move rin ang naging intensyon ni Xian nang mag-alok siya kay Sachzna ng posibilidad na maging exclusive distributor ng brand nitong Kiffyfied sa Thailand. “Pwede ba ko maging country distributor ng Kiffyfied mo?... I think papalo po yan dito,” saad niya. Sa huli, nag-iwan siya ng emosyonal na mensahe, “I miss you, Friendship. Take care always.”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Xian Gaza ay kilalang online personality at self-proclaimed businessman na naging viral sa maraming pagkakataon dahil sa kanyang "grand gestures" at kontrobersyal na pahayag sa social media. Ilan sa mga pinakatinutukan ng netizens ay ang kaniyang mga paanyaya sa celebrities, cryptic posts, at involvement sa ilang social media dramas. Sa kabila ng pagiging polarizing figure, marami pa rin ang sumusubaybay sa kaniyang galaw online.

Sa panahon ng mabilis na pagkalat ng impormasyon, tulad ng mga cryptic post at direct messages na agad nagti-trending, si Xian ay nananatiling relevant sa discourse ng Pinoy netizens, lalo na kung may “biglang balik” gaya nito.

Nag-post si Xian Gaza ng isa na namang palaisipan sa kanyang Instagram matapos mapansin ng publiko ang kanyang pananahimik. Hindi malinaw ang konteksto ng post, ngunit marami ang nagbigay ng sariling interpretasyon. Tinawag ito ng ilan na "soft goodbye" habang may iba namang naniniwala na may pinaghahandaan lang siya.

Sa isa pang Instagram story, nabanggit ni Xian ang tungkol sa “Chapter 3,” na tila may kaugnayan sa bago niyang yugto sa buhay. Wala pa ring detalyeng ibinunyag si Xian ngunit ang post ay umani ng maraming reaksyon mula sa netizens. Marami ang nagtatanong kung ito ba ay tungkol sa business, personal growth, o isang bagong kontrobersya.

Disclaimer: Ang mga pahayag na ibinahagi ni Xian Gaza ay mula sa kanyang sariling pananaw at opinyon. Hindi kinukumpirma ng KAMI o ng sinumang kaugnay sa ulat na ito na ang mga nasabing impormasyon ay base sa katotohanan. Lahat ng interpretasyon ay para lamang sa layunin ng pagbabalita

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags:
Hot: