Matapos ang kaso ng rabies death, Doc Alvin may paalala sa anti-rabies shots

Matapos ang kaso ng rabies death, Doc Alvin may paalala sa anti-rabies shots

- Nagpaalala si Doc Alvin Francisco, isang doctor-social media personality, na nawawalan ng bisa ang anti-rabies vaccine kapag hindi nakumpleto ang buong serye ng bakuna, kahit pa may unang turok na

- Ayon sa kanya, hindi sapat ang isang injection lamang laban sa rabies dahil kailangang buuin ang mga nakatakdang dose upang makuha ang buong proteksyon ng bakuna

- Ibinahagi rin niya na may mga health centers at government hospitals na nagbibigay ng libreng rabies vaccine, kaya wala umanong dahilan para ipagpaliban ang pagpapabakuna

- Ang kanyang paalala ay kasunod ng isang insidente kung saan isang lalaki ang namatay dahil sa rabies, siyam na buwan matapos makagat ng aso, na hindi umano siya nakatanggap ng kumpletong bakuna

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Nagpaalala ang kilalang doctor-social media personality na si Doc Alvin Francisco sa kahalagahan ng pagkumpleto ng anti-rabies vaccine. Sa isang Facebook post noong Linggo, Mayo 25, binigyang-diin niya na hindi sapat ang isang shot lamang.

Matapos ang kaso ng rabies death, Doc Alvin may paalala sa anti-rabies shots
Matapos ang kaso ng rabies death, Doc Alvin may paalala sa anti-rabies shots (đź“·Pexels)
Source: Facebook

"Pag di nakumpleto ang bakuna sa rabies, mawawalan ng bisa ang unang bakuna na nabigay,” ani Doc Alvin. Nagpahayag din siya ng impormasyon kung saan maaaring makakuha ng libreng bakuna: “May mga libreng rabies vaccine sa health centers at government hospitals,” dagdag pa niya.

Nag-ugat ang babala ng doktor sa isang masaklap na pangyayari kung saan isang lalaki ang binawian ng buhay matapos ang siyam na buwan mula nang siya ay makagat ng aso. Lumabas ang mga sintomas ng rabies, at sa huli, hindi na ito nailigtas. Ang insidenteng ito ay isang malungkot na paalala ng kahalagahan ng tamang kaalaman at agarang aksyon sa mga ganitong insidente.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dagdag pa rito, pinayuhan ni Doc Alvin ang publiko sa mga dapat gawin sa tuwing makakagat, makakalmot, o malalawayan ng aso—lalo na kung hindi tiyak kung may anti-rabies vaccine ang hayop. Bagamat tila simpleng insidente lang ito, posibleng ikamatay ito ng tao kung hindi ito naaaksyunan nang maayos at kumpleto.

Ang rabies ay isang viral infection na nakukuha sa laway ng hayop—karaniwan sa kagat o kalmot ng aso, pusa, o paniki. Kapag ang virus ay nakapasok sa katawan at nakarating sa utak, nagdudulot ito ng inflammation na nauuwi sa kamatayan. Isa ito sa mga pinaka-nakamamatay na sakit, subalit maiiwasan kung maagapan. Ang rabies vaccine ay kailangang iturok ng tama at kumpleto upang magbigay ng proteksiyon sa biktima.

Sa Cebu, apat na magkakamag-anak ang sabay-sabay na nakagat ng isang asong kalaunan ay nagpositibo sa rabies. Kaagad silang nagtungo sa health center para magpabakuna, ngunit mariing pinaalalahanan ng mga awtoridad na bantayan ang kalagayan ng bawat isa. Ang insidenteng ito ay nagdulot ng pangamba sa komunidad tungkol sa pag-aalaga at pagbabakuna ng mga alagang hayop.

Isa pang malungkot na balita ang lumabas nang isang lalaki ang bawian ng buhay dahil sa rabies, siyam na buwan matapos siyang makagat ng aso. Nakapag-record pa siya ng huling mensahe para sa kanyang pamilya bago siya tuluyang mawalan ng malay. Ipinakita nito kung gaano katagal maaaring "manahimik" ang rabies virus bago magpakita ng sintomas, kaya mahalagang huwag itong balewalain.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate