Jam Magno nagsurender sa CIDG dahil sa 3 kaso ng cybercrime

Jam Magno nagsurender sa CIDG dahil sa 3 kaso ng cybercrime

- Boluntaryong nagtungo si Jam Magno sa tanggapan ng CIDG sa Butuan City Field Unit upang harapin ang tatlong kaso na isinampa laban sa kanya kaugnay ng umano’y paglabag sa Cybercrime Prevention Act, bilang pagpapakita umano ng kanyang tiwala sa legal na proseso

- Ibinahagi mismo ni Magno ang kanyang pagsuko sa pamamagitan ng Facebook reels, kung saan makikita siyang naka-make-up pa at tila kalmado pa rin sa kabila ng kinahaharap na kaso, bago pa man ito maging mainit na usapin sa social media

- Matapos ang kanyang pagsuko, siya ay agad pinalaya matapos magbayad ng ₱24,000 kada count ng kaso, na may kabuuang halaga na ₱72,000 para sa lahat ng reklamo laban sa kanya

- Tumanggi si Magno na tukuyin kung sino ang nagsampa ng kaso laban sa kanya at kung ano ang eksaktong dahilan ng reklamo, ngunit nagpapasalamat siya sa CIDG sa maayos na pagtanggap at pagtrato sa kanya habang siya ay nasa kustodiya

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Isang bagong eksena na naman ang ginulat ng social media personality na si Jam Magno matapos niyang boluntaryong sumuko sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Butuan City. Ayon sa kanyang sariling post sa Facebook reels, hindi siya pinilit kundi kusa siyang nagtungo sa tanggapan ng CIDG habang naka-make-up pa. Ang kanyang pagsuko ay kaugnay ng tatlong kasong isinampa sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act of 2012.

Jam Magno nagsurender sa CIDG dahil sa 3 kaso ng cybercrime
Jam Magno nagsurender sa CIDG dahil sa 3 kaso ng cybercrime (📷The Jam Magno/Facebook)
Source: Instagram

Sa caption ng kanyang reel, tila relax at confident pa si Magno: “RELEASED IN PERFECT CONDITION I am so grateful to the CIDG - Butuan City Field Unit for taking care of me when I VOLUNTARILY SURRENDERED to your office today. Keep it up!!” Hindi rin niya idinetalye kung sino ang nagreklamo laban sa kanya o kung anong eksaktong nilabag niya sa batas.

Agad din siyang pinalaya matapos magbayad ng piyansa na ₱24,000 kada kaso—kabuuang ₱72,000. Sa kabila ng kinakaharap niyang kaso, hindi ito naging hadlang para ipakita niyang kontrolado niya ang sitwasyon. May mga netizen na humanga sa kanyang confidence, habang ang ilan naman ay patuloy siyang binabatikos.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Jam Magno ay isa sa mga kontrobersyal na personalidad sa social media sa Pilipinas. Kilala siya sa kanyang mga maanghang na komento sa mga isyung politikal at sosyal, lalo na sa kanyang pagiging masugid na tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Sa kabila nito, naging usap-usapan din kamakailan ang kanyang pagdistansya sa mga anak ng dating pangulo, bagay na nagpainit sa usapan online.

Hindi bago sa kanya ang intriga, dahil sa kanyang walang preno at minsan ay sarcastic na mga pahayag, naging sentro siya ng pambabatikos at papuri mula sa mga netizens. Sa kabila ng kaliwa't kanang kontrobersya, tila mas lalong lumalakas ang kanyang presensya sa social media.

Sa isang nakakatuwang post, binanggit ni Jam Magno ang kanyang pagiging “best friend” umano ni Direk Darryl Yap matapos ang viral “18 hours a day everyday” statement nito. Inihayag ni Magno ang kanyang suporta kay Yap sa kabila ng mga batikos na tinatanggap nito online. Patunay ito sa patuloy na pagkikibahagi ni Magno sa mga maiinit na isyu sa social media.

Nilinaw ni Jam Magno sa isang panayam na siya ay kusang sumuko at hindi inaresto gaya ng ikinakalat ng ilan. Aniya, nais niyang ipakita ang kanyang tiwala sa legal na proseso at naniniwala siyang wala siyang ginawang mali. Ito ang kanyang paraan upang patunayan na wala siyang tinatakbuhan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate