Comelec Chair George Garcia, nagsalita sa mga isyung bumalot sa Halalan 2025

Comelec Chair George Garcia, nagsalita sa mga isyung bumalot sa Halalan 2025

-Si Comelec Chairman George Garcia ay nagsalita ukol sa mga isyung kinaharap ng Halalan 2025

-Nilinaw niya ang mga reklamo ng ilang botante ukol sa hindi pagtutugma ng resibo at balota

-Ipinahayag niya na walang ebidensya ng dayaan at posibleng nakalimutan lang ng botante ang kanilang ibinoto

-Inihayag din niya na mayroong 1.2 milyong hacking attempts sa precinct finder ng Comelec

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Sa isang press conference na ginanap ngayong Lunes, Mayo 12, 2025, nagsalita si Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia ukol sa mga isyung bumalot sa katatapos lamang na National and Local Elections (NLE). Isa sa mga pangunahing tinalakay ni Garcia ay ang mga reklamo ng ilang botante na hindi umano tumutugma ang kanilang resibo sa mga ibinotong kandidato.

Comelec Chair George Garcia, nagsalita sa mga isyung bumalot sa Halalan 2025
Comelec Chair George Garcia, nagsalita sa mga isyung bumalot sa Halalan 2025 (📷COMELEC)
Source: Facebook

Ayon kay Garcia, "Doon po sa mga sinasabi na hindi raw tumutugma ang kanilang resibo as against doon sa balota, wala po kaming evidence or proof on that, kasi, napakataas ng posibilidad na nakalimutan nila na 'yon ang binoto nila, o kahit na hindi 'yon ang ibinoto nila, 'yon ang nailagay nila." Dagdag pa niya, "Wala naman silang maipakita simply because wala namang pictures, 'yong mismong resibo dahil bawal nga pong mag-picture ng resibo..."

Bukod sa isyu ng resibo, ibinahagi rin ni Garcia na mayroong naitalang 1.2 milyong hacking attempts sa precinct finder ng Comelec. Gayunpaman, tiniyak niya na walang matagumpay na pag-atake ang naganap at nanatiling ligtas ang sistema ng Comelec. Ipinahayag din niya na ang mga hakbang na ginawa ng Comelec, kasama ang pakikipagtulungan sa Department of Information and Communications Technology (DICT) at Department of Science and Technology (DOST), ay epektibo sa pagpigil sa mga nasabing pag-atake.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang Halalan 2025 ay isang midterm election na ginanap noong Mayo 13, 2025, kung saan milyun-milyong Pilipino ang bumoto upang pumili ng mga bagong senador, kongresista, gobernador, alkalde, at iba pang lokal na opisyal. Ang eleksyong ito ay isinagawa sa ilalim ng masusing pagbabantay bunsod ng mga kontrobersiya, disimpormasyon, at seguridad ng halalan.

Ang eleksyon ngayong taon ay itinuturing na barometro ng suporta sa administrasyon, gayundin sa epekto ng mga reporma at kontrobersiya sa pamahalaan. Lalong naging mahalaga ito dahil dito masusukat kung sino ang posibleng lumitaw bilang pangunahing kandidato para sa Halalan 2028. Bukod pa rito, malaking papel ang ginampanan ng midterm polls sa paghubog ng bagong liderato sa Senado at House of Representatives na may kapangyarihang magpasa o humarang sa mga panukalang batas ng Malacañang.

Isang botante ang hinimatay at kalaunan ay namatay matapos bumoto sa isang presinto. Ayon sa mga ulat, agad na dinala sa ospital ang botante ngunit hindi na umabot nang buhay. Ang insidente ay nagdulot ng pag-aalala sa kalusugan at kaligtasan ng mga botante, lalo na sa mga matatanda at may karamdaman.

Sumuko na ang pangunahing suspect sa pamamaril ng mga tagasuporta ng kasalukuyang alkalde ng Silay City. Ang insidente ay naganap ilang araw bago ang eleksyon at nagdulot ng takot sa mga residente. Ang pagsuko ng suspect ay inaasahang magbibigay-linaw sa kaso at magdudulot ng katarungan sa mga biktima.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: