Bus na pinaparada lang sana, sumalpok sa tindahan habang kumakain ang driver

Bus na pinaparada lang sana, sumalpok sa tindahan habang kumakain ang driver

-Dalawang tao ang nasaktan matapos bumangga ang isang bus sa mga tindahan sa Agora East Bound Terminal

-Ang dispatcher ang nagmamaneho ng bus habang kumakain ang tunay na driver

-Isa sa mga biktima ang nagtamo ng sugat sa paa habang ang isa ay tinamaan sa ulo at isinugod sa ospital

-Patuloy ang operasyon ng terminal habang iniimbestigahan pa ang insidente

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Isang normal sana na araw ng biyahe ang nauwi sa tensyon at sigawan sa Agora East Bound Terminal sa Cagayan de Oro City nitong Biyernes, Mayo 9, 2025, matapos bigla na lang umarangkada ang isang bus na patungong Butuan at sumalpok sa mga tindahan.

Bus na pinaparada lang sana, sumalpok sa tindahan habang kumakain ang driver
Bus na pinaparada lang sana, sumalpok sa tindahan habang kumakain ang driver (📷GMA Regional TV One Mindanao)
Source: Facebook

Habang naghihintay ng biyahe ang ilang pasahero, isa sa kanila ay muntik nang masagasaan matapos ang biglaang abante ng bus papunta sa kanyang kinauupuan. Dalawang tao ang nasugatan, kabilang ang isang store attendant na nagtamo ng head injury at agad na dinala sa ospital.

Ayon kay Edwin Tan, isang store owner sa terminal, “Pag-abot nako diha gahilaka nato akong tindera ug iyang mama nagtakiang to diri to gitabang na luk-od sa ilalom.” Isa pang biktima ay nagtamo ng sugat sa paa. Base sa paunang imbestigasyon, hindi ang driver kundi ang dispatcher ang nagmamaneho sa bus sa oras ng insidente dahil ang driver ay kumakain umano ng agahan. “Wala mosulod ang neutral… nabuy-an ang clutch mao niulpot siya,” paliwanag ni Tan. “Routine naman gud na nila ang dispatcher maoy mo parking kay ang mga driver mamahaw… ang dispatcher maoy moplastar.”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kabila ng insidente, tuloy pa rin ang operasyon ng terminal. “24 hours operation, walay sagabal sa mga pasahero. Padayon lang gihapon 24 hours ang biyahe,” ani Romeo Khu, Jr., Assistant Operations Manager ng Agora East Bound Terminal. Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng Traffic Enforcement Unit ng Cagayan de Oro City Police Office, at hinihintay ang desisyon ng pamilya ng mga biktima kung magsasampa sila ng kaso.

Ang mga vehicular accident sa mga terminal ay karaniwang nag-uugat sa kapabayaan o kakulangan sa safety protocols. Sa maraming terminal sa Pilipinas, madalas pinapark ng mga dispatcher ang mga bus habang ang mga driver ay nasa break—isang routine na maaaring magdulot ng panganib kung hindi maayos ang pagkaka-manage. Ang insidente sa CDO ay malinaw na babala sa kahalagahan ng strict vehicle handling regulations at accountability ng mga bus operators.

Matapos ang malagim na aksidente sa SCTEX na ikinasawi ng ilan, nagsalita si Jerry Tuazon, isa sa mga survivors. Ayon sa kanya, wala siyang galit sa driver ng bus kahit pa ito ang nagmamaneho sa oras ng insidente. Dagdag pa niya, mas nangingibabaw ang pasasalamat sa kanyang kaligtasan kaysa sisihin ang sinuman.

Lumabas sa ulat na posibleng ang iniinom na maintenance na gamot ng bus driver ang dahilan ng kanyang pagkaantok na nauwi sa aksidente. Ayon sa mga eksperto, may mga gamot talaga na may side effect na drowsiness, at maaaring hindi ito nabantayan ng operator. Nagsisilbing babala ito sa lahat ng driver at bus companies na suriin ang kalusugan at kondisyon ng kanilang mga tauhan bago bumiyahe.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate