Angelica Yulo, ibinida ang kanilang maagang New Year Celebration

Angelica Yulo, ibinida ang kanilang maagang New Year Celebration

  • Ipinagdiwang ni Angelica Yulo ang maagang Bagong Taon kasama ang pamilya ni Coach Munehiro Kugimiya
  • Inilarawan ni Angelica si Coach Kugimiya bilang isa sa mga greatest foreign coach ng Philippine gymnastics
  • Ang selebrasyon ay nagbigay-pugay sa kontribusyon ni Coach Kugimiya sa tagumpay ng mga atletang Pilipino tulad ni Carlos Yulo
  • Masaya at puno ng pasasalamat ang salu-salo bilang tanda ng pagkakaibigan at pagkakaisa sa mundo ng sports

Sa isang masayang salu-salo, ipinagdiwang ni Angelica Yulo at ng kanyang pamilya ang maagang pagsalubong sa Bagong Taon kasama ang pamilya ni Coach Munehiro Kugimiya, isa sa mga kilalang foreign coach ng Philippine gymnastics.

Angelica Yulo, ibinida ang kanilang maagang New Year Celebration
Angelica Yulo, ibinida ang kanilang maagang New Year Celebration
Source: Facebook

Sa kanyang social media post, ibinahagi ni Angelica ang kasiyahan sa pagbisita ng pamilya ni Coach Kugimiya. Aniya, “It is our pleasure and honor to be visited by one of a greatest foreign coach of the Philippine gymnastics I've ever known in my entire life. Happy to see them.”

Read also

Lolit Solis, napagpasyahang hanggang December 31 na lang ang IG niya

Ang espesyal na okasyong ito ay nagpapakita ng pagkakaibigan at pasasalamat ni Angelica sa malaking kontribusyon ni Coach Kugimiya sa paghubog sa mga atletang Pilipino, kabilang na ang kanyang anak na si Carlos Yulo, na kinikilala bilang isa sa mga pinakamahusay na gymnast sa bansa.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang maagang selebrasyon ay puno ng ngiti, kwentuhan, at pasasalamat, isang magandang paalala ng pagkakaisa sa mundo ng sports habang papalapit ang Bagong Taon.

Si Angelica Yulo ay ang ina ni Carlos Yulo, isang kilalang gymnast na nagwagi ng mga gintong medalya sa mga internasyonal na kompetisyon, kabilang na ang Tokyo 2020 Olympics at 2024 Olympics. Bukod kay Carlos ay nakikilala rin ang dalawa pa niyang anak na sina Karl Eldrew at Elaiza Yulo sa larangan ng gymnastics.

Ayon sa batikang showbiz insider na si Ogie Diaz, isang pelikula ang nakatakdang ipagawa tungkol sa makulay na buhay ng "Ulirang Ina" awardee na si Angelica Yulo. Ibinunyag ni Ogie ang tungkol sa balitang ito sa kanyang Youtube channel na Ogie Diaz Showbiz Update.

Read also

Flight Attendant na nakaligtas sa Jeju Air Crash: “What happened? Why am I here?”

Tila puno ng pagmamalaki si Karl Eldrew Yulo, ang nakababatang kapatid ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo, nang ibahagi niya ang pinakamahalagang bagay na libre niyang natanggap mula sa kaniyang mga tagumpay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate