Doc Willie Ong, nanawagan ng libreng chemo sa cancer patients

Doc Willie Ong, nanawagan ng libreng chemo sa cancer patients

  • Nanawagan si Doc Willie Ong na gawing libre ang chemotherapy para sa lahat ng cancer patients sa bansa gamit ang reserve funds ng PhilHealth
  • Binanggit niyang nasa 600 bilyong piso ang pondo ng PhilHealth na maaaring gamitin para sa paggamot ng mga pasyente
  • Iminungkahi rin niya na gawing libre ang angiogram, angioplasty, heart bypass, CT scan, MRI, at PET scan bilang bahagi ng tulong medikal
  • Ibinahagi ni Doc Willie na nasa 6th cycle na siya ng chemotherapy at nanawagan sa mga cancer patients na huwag sumuko sa laban

Nanawagan si Doc Willie Ong na gawing libre ang chemotherapy para sa lahat ng cancer patients sa bansa. Ayon sa kaniya, kayang-kaya ng PhilHealth na tustusan ang gastos sa chemotherapy dahil aabot umano sa 600 bilyong piso ang reserve funds ng ahensya.

Doc Willie Ong, nanawagan ng libreng chemo sa cancer patients
Doc Willie Ong, nanawagan ng libreng chemo sa cancer patients
Source: Youtube

Sa isang pahayag, binigyang-diin ni Doc Willie na hindi lamang dapat chemotherapy ang libre kundi pati na rin ang angiogram, angioplasty, heart bypass, CT scan, MRI, at PET scan. Aniya, milyon-milyong buhay ang nasasakripisyo habang iniipon lamang ang malaking pondo ng PhilHealth.

Read also

Jericho Rosales, buburahin daw ang kanyang calendar app matapos makita ang pics ni Janine Gutierrez

“Dapat libre ang chemotherapy ng lahat ng cancer patients. At least 1 million each patient mula sa PhilHealth. Sa ngayon, iilang cancer lang ang covered,” sabi ni Doc Willie. Idinagdag din niya na mahalagang gamitin ang pondo upang mailigtas ang buhay ng maraming Pilipino, lalo na ng mga pamilyang walang kakayahang magpagamot.

Sa personal na update ni Doc Willie, ibinahagi niyang nasa 6th cycle na siya ng chemotherapy na posibleng huling yugto ng kanyang gamutan. Nanawagan siya sa kapwa cancer patients na huwag bibitaw at patuloy na lumaban. “Ang Diyos ay may misyon pa para sa atin. Maraming salamat sa dasal ninyo, kayo ang nagpapagaling sa akin,” saad pa niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang panawagan ni Doc Willie Ong ay nagbigay ng pag-asa at nagpagising sa maraming Pilipino sa pangangailangang bigyang prayoridad ang kalusugan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng tamang paggamit ng pondo ng PhilHealth.

Si Willie Tan Ong ay isang Filipino cardiologist, internist, at media personality na sumikat dahil sa pagbibigay ng mga payong medikal sa kanyang Facebook page at YouTube channel. Nakilala din siya sa programang Salamat Dok bilang isa sa mga resident medical expert at volunteer doctor mula 2008 hanggang 2018. Bukod pa rito, naging regular din siyang kolumnista sa The Philippine Star at Pilipino Star Ngayon kung saan nagsusulat siya tungkol sa kalusugan.

Read also

Kampo ni Rita Daniela, nag-react sa counter-affidavit ni Archie Alemania

Matatandaang naikwento ni Doc Willie Ong na minsan siyang sumailalim sa hosting workshop ni Boy Abunda. Malaki ang pasasalamat niya sa kanyang 'Kuya Boy' na siyang humasa ng kanyang kakayahan ngayon sa pag-host tulad ng kanyang YouTube channel.

Ipinaliwanag din ni Doc Willie ang tungkol sa sinasabing sanhi ng pagpanaw ni Jovit Baldivino, ang an*urysm. Bagama't bata pa si Jovit sa karaniwang edad na tinatamaan nito, may ibang maaring dahilan kung bakit hindi siya nakaligtas sa pagkakaroon nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate