PBBM sa banta sa kaniya ni VP Sara Duterte: "Yan ay aking papalagan"
- Nagsalita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay sa bantang ipinatungkol sa kanya at kay First Lady Liza Marcos ni Bise Presidente Sara Duterte noong nakaraang weekend
- Binatikos ng Pangulo ang pagbabanta at tinawag itong isang kriminal na gawain na hindi dapat palampasin
- Hinikayat niya ang pagsunod sa rule of law at ang pagsagot ng totoo sa mga tanong ng Kongreso at Senado
- Nanawagan ang Pangulo na unahin ang ikauunlad ng bansa at isantabi ang mga dramang pulitikal
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nagsalita na si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. hinggil sa kontrobersiyal na pahayag ni Bise Presidente Sara Duterte noong nakaraang weekend, kung saan may lumutang umanong banta laban sa kanya at kay First Lady Liza Marcos.
Sa kanyang opisyal na pahayag, tinawag ng Pangulo na "nakababahala" ang naturang insidente, lalo na’t may kasamang pagbabanta ng planong pagpatay. “Kung ganito na lang kadali ang magplano ng pagpatay sa isang Pangulo, paano pa kaya ang mga karaniwang mamamayan?” tanong niya.
Binigyang-diin ni Pangulong Marcos na ang ganitong klaseng kriminal na gawain ay hindi dapat palampasin. "Yan ay aking papalagan," aniya, sabay diin na mahalagang sundin ang rule of law sa isang demokratikong bansa.
Pinunto rin ng Pangulo na hindi na sana lumaki ang isyu kung sasagutin lamang ang mga lehitimong tanong sa Senado at Kamara.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Dagdag pa ni Marcos, hindi tama ang pagpigil sa mga halal ng bayan na gampanan ang kanilang tungkulin sa paghahanap ng katotohanan.
Bilang dating mambabatas sa parehong Kamara at Senado, ipinaalala ni Pangulong Marcos ang importansya ng check-and-balance sa pamahalaan.
Sa kabila ng mga batikos, binigyang-diin ng Pangulo na nananatili ang kanyang atensyon sa pamamahala at pagpapaunlad ng bansa. Subalit iginiit niyang hindi niya kailanman ikokompromiso ang rule of law.
Sa pagtatapos ng kanyang pahayag, nanawagan si Pangulong Marcos na isantabi ang pulitika at magtulungan para sa ikabubuti ng bansa. “Hindi ko hahayaan magtagumpay ang hangarin ng iba na hatakin ang buong bansa sa burak ng pulitika.
Si Ferdinand "Bongbong" Romualdez Marcos Jr. ay ang kasalukuyang Pangulo ng Republika ng Pilipinas, nanungkulan mula noong Hunyo 30, 2022. Anak siya ng dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. at dating Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos.
Si PBBM, sa isang video na ibinahagi ng ABS-CBN News, ay nagbigay lamang ng makahulugang tingin at ngiti sa tanong ng isang reporter. Tinanong ng reporter ang reaksyon ng Pangulo kaugnay sa mga pahayag na ginawa ni Bise Presidente Sara Duterte. Matatandaang sinabi ni VP Sara ang tungkol sa pag-iisip na pugutan ng ulo ang Pangulo at hukayin ang labi ng yumaong dating Pangulo.
Sa isang pahayag na ibinahagi sa social media, ay nagpahayag si PBBM ng pagbati kay presumptive 2024 president-elect Donald Trump sa kanyang inaasahang panalo. Sinabi ni PBBM sa simula ng kanyang pahayag na “Panalo na si Pangulong Trump”.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh