Ordinansa laban sa tumatayo sa parking lot para sa reservation, pinaplano na

Ordinansa laban sa tumatayo sa parking lot para sa reservation, pinaplano na

- Inihain sa Kamara ang "Mindful Parking Act" na layuning ipagbawal ang pagreserba ng parking gamit ang tao

- Ang panukalang batas ay magpapataw ng multa mula P2,000 hanggang P10,000 at posibleng pagrevoke ng driver's license sa mga lalabag

- Kailangan ding magpatupad ng polisiya ang mga pribadong establisyemento na pagmumultahin ng hanggang P50,000 kapag hindi sumunod

- Pinag-aaralan ng Metro Manila Council ang isang resolusyon para ipagbawal ang ganitong

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Isang panukalang batas na nagbabawal sa mga taong pumupuwesto sa parking spaces upang ireserba ito para sa kanilang kasama ang isinampa sa House of Representatives nitong Huwebes.

Ordinansa laban sa tumatayo sa parking lot para sa reservation, pinaplano na
Ordinansa laban sa tumatayo sa parking lot para sa reservation, pinaplano na (WIkimedia Commons)
Source: Facebook

Ang House Bill 11076 o ang tinatawag na "Mindful Parking Act" ay layuning wakasan ang lumalaganap na kaugalian na ito sa pamamagitan ng pagpapataw ng parusa sa mga indibidwal na pisikal na humaharang sa parking slots upang maunang makakuha ang kanilang sasakyan, na nagiging sanhi ng hindi pagkakaunawaan sa ibang motorista.

Read also

Ai-ai Delas Alas, may emosyonal na mensahe matapos sorpresahin ng mga anak

Ayon kay Akbayan Representative Percival Cendaña, ang ganitong gawain ay hindi lamang labag sa "common courtesy" at sa prinsipyong “first-come, first-served” sa parking, kundi nagdudulot din ng panganib sa mga taong tumatayo sa mga lugar na para lamang sa mga sasakyan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa ilalim ng panukala, ang sinumang lalabag ay pagmumultahin ng P2,000 para sa unang paglabag hanggang P10,000 para sa ikatlong paglabag, kasama ang posibleng pagrevoka ng kanilang driver's license. Kabilang din sa batas ang obligasyon ng mga pribadong establisyemento na magpatupad ng kanilang sariling patakaran kaugnay nito, kung hindi ay pagmumultahin ang may-ari ng hanggang P50,000.

Ang Land Transportation Office (LTO) ang inatasang mangasiwa sa pagpapatupad ng batas at magsagawa ng mga kaukulang alituntunin para rito. Ang panukalang ito ay tugon sa katulad na ordinansa sa Marikina City na nagbabawal sa ganitong klaseng pag-uugali.

Samantala, pinag-aaralan din ng Metro Manila Council (MMC) ang pagpasa ng isang unipormadong ordinansa na magpaparusa sa mga taong gumagamit ng "tao reservation" sa parking slots. Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, nagkaroon ng talakayan ang mga miyembro ng council tungkol sa posibilidad na hikayatin ang mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila na ipagbawal ang ganitong gawain.

Read also

Misis, hindi nakaligtas matapos lumubog ang sinasakyang balsa ng pamilya nila

Bagamat inaasahang mapagtitibay na ang resolusyon sa kanilang pulong, napagdesisyunan muna ng council na pag-aralan ang pagpapalawak ng umiiral na ordinansa ng Quezon City na nagbabawal sa pagreserba ng parking slots.

Ang babaeng naka-pink, na kamakailan ay nag-viral dahil sa pagtayo sa isang parking spot, ay humihiling ngayon sa mga tao na itigil na ang pagre-reupload ng video. Nangyari ang insidente sa video noong gabi ng Nobyembre 1 sa isang sementeryo sa Las Piñas City.

Nag-post si Xian Gaza sa social media at ipinakita ang mga parking slots sa Thailand. Sa kanyang Facebook account, nag-upload si Xian ng isang larawan na nagpapakita ng isang parking area sa nasabing bansa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate