Dating PRRD, umaktong susuntukin si De Lima sa quad comm hearing
- Umakto ng pagsuntok si dating Pangulong Rodrigo Duterte kay dating Senadora Leila de Lima sa gitna ng House quad committee hearing sa war on drügs nitong Miyerkoles, Nobyembre 13
- Naganap ang insidente matapos punahin ni De Lima na hindi mabanggit ni Duterte ang kanyang pangalan
- Tinawag ni De Lima na "lying" si Duterte nang sabihin nitong hindi niya kilala ang senadora
- Biro naman ni Duterte, hindi niya nakilala si De Lima dahil nag-iba na raw ang hairdo nito
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nagkaroon ng tensyon sa House quad committee hearing hinggil sa war on drügs nitong Miyerkoles, Nobyembre 13, matapos umakto ng pagsuntok si dating Pangulong Rodrigo Duterte kay dating Senadora Leila de Lima. Ang insidente ay naganap matapos punahin ni De Lima ang aniya’y pag-iwas ni Duterte na banggitin ang kanyang pangalan.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni De Lima, “Hindi niya nga po masabi ‘yung pangalan ko. Ayaw niya pong kilalanin kung sino ‘yung dating Commission on Human Rights chairperson. Sabi daw nang tinatanong… hindi niya kilala kung sinuman ‘yan, ‘yung taga-CHR na ‘yan, nagtataka po ako du’n.” Dagdag pa niya, “He’s lying when he said that he does not know Leila de Lima. How can he say that he does not know Leila de Lima?”
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Bilang tugon, idinaan ni Duterte sa biro ang kanyang reaksiyon sa sinabi ni De Lima. “Iba na kasi ang hairdo niya kaya hindi ko kilala,” ani Duterte, na ikinatawa ng ilan sa mga nasa pagdinig.
Ang naturang pag-uusap ay nagbigay muli ng spotlight sa matagal nang alitan sa pagitan nina Duterte at De Lima, na kilalang kritiko ng drüg war ng dating pangulo noong siya’y nasa puwesto. Subalit, sa kabila ng mga matitinding paratang, naipanatili pa rin ang kapayapaan sa nasabing pagdinig.
Si Rodrigo "Rody" Roa Duterte ay ang ika-16 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas na nanungkulan mula Hunyo 30, 2016 hanggang Hunyo 30, 2022. Bago siya maging pangulo, nagsilbi siya bilang alkalde ng Davao City sa loob ng mahigit 22 taon, kung saan siya nakilala dahil sa kanyang kampanya laban sa krimen at iligal na droga.
Matatandaang dumating si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Senado upang dumalo sa pagdinig na nag-iimbestiga sa kontrobersyal na drüg war na kanyang isinulong noong siya'y nasa pwesto. Ang pagharap ni Duterte sa Senate hearing ay bahagi ng patuloy na pagsisiyasat sa mga alegasyon ng paglabag sa karapatang pantao at extrajudicial killings na isinagawa sa ilalim ng kanyang administrasyon
Sinagot ni dating Senadora Leila De Lima ang mga tanong mula sa isang reporter ng GMA sa isang biglaang panayam sa mga pasilyo ng Senado. Nasa Senado ang dating mambabatas upang dumalo sa pagdinig na nag-iimbestiga sa kampanya laban sa droga ng nakaraang administrasyon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh