GCash, naglabas ng pahayag kaugnay sa naranasang isyu ng ilang customers

GCash, naglabas ng pahayag kaugnay sa naranasang isyu ng ilang customers

- Naglabas ng pahayag ang GCash kaugnay sa mga isyung naranasan ng ilang customers dahil sa error sa kanilang system reconciliation

- Sinisiguro ng GCash na ligtas ang accounts ng lahat ng users at kasalukuyang inaayos ang mga naapektuhang accounts

- Nakipag-ugnayan na ang GCash sa mga users na apektado at nangakong aayusin ang mga nawawalang pondo sa loob ng 24 oras

- Pinapayuhan ang mga customers na baguhin ang kanilang MPIN bilang dagdag na seguridad sa kanilang accounts

Naglabas ng opisyal na pahayag ang mobile wallet app na GCash matapos makaranas ng aberya ang ilang customers dulot ng error sa kanilang system reconciliation. Nilinaw ng kumpanya na ligtas ang mga account ng kanilang users, at kasalukuyang inaayos ang mga naapektuhang account.

GCash, naglabas ng pahayag kaugnay sa naranasang isyu ng ilang customers
GCash, naglabas ng pahayag kaugnay sa naranasang isyu ng ilang customers
Source: Facebook

Naging trending ang GCash sa social media platform na X (dating Twitter) matapos magreklamo ang ilang users, kabilang ang ilang kilalang personalidad, ukol sa umano'y hindi awtorisadong pag-withdraw mula sa kanilang mga account noong Sabado. Ayon sa mga ulat, ilang customers ang nakatanggap ng text mula sa GCash na pinapayuhang baguhin ang kanilang MPIN bilang pag-iingat, kasabay ng pangakong maibabalik ang mga nawawalang pondo sa loob ng 24 oras.

Read also

Kasambahay sa San Juan City, tinangay at isinangla ang P2.6M alahas ng amo

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa inilabas na pahayag na ibinahagi sa GMA News, sinabi ng GCash:

"A few GCash users were affected due to errors in an ongoing system reconciliation process. This incident was isolated to a few users, and we assure our customers that their accounts are safe.
We have identified and reached out to affected accounts. Wallet adjustments are ongoing."

Dagdag pa ng GCash, maaari pang makipag-ugnayan ang publiko para sa karagdagang impormasyon sa mga sumusunod na contact:

Gilda Maquilan, VP at Head of Corporate Communications para sa GCash

Rommin Diaz, Head ng Corporate Communications Strategy

Email Address: corpcomm@gcash.com

Facebook: http://www.facebook.com/gcashofficial

Patuloy na pinapaalalahanan ng GCash ang kanilang mga users na mag-ingat sa pagbibigay ng kanilang personal na impormasyon, at tiyaking nasa ligtas na platforms lamang sila magla-log in para sa kanilang GCash transactions.

Read also

Chloe San Jose, sinagot ang netizen na nagsabing nagpa-retoke siya

Nagpost si Pokwang ng nakakalungkot na mensahe sa social media tungkol sa nangyari sa kanyang GCash account. Ayon sa kanya, nalaman na lamang niya na ubos na ang lahat ng pera sa kanyang GCash account. Ibinahagi ng TV host-comedienne na pinaghihirapan niya ang bawat kita sa marangal na paraan, ngunit isang araw, nagising na lamang siya at natuklasang nawala na ang lahat ng kanyang pinaghirapang ipon sa GCash.

Matatandaang noong nakaraang taon ay naglabas din ng pahayag ang Gcash kaugnay sa umano'y biglang pagkawala ng pera ng ilang users. Halos pare-pareho ang dinanas ng mga users kung saan nailipat sa ilang bank accounts ang malaking halaga ng kanilang mobile wallet.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate