Albay, hindi lang binaha; nakaranas din umano ng lahar flow
- Nakaranas din ng lahar flow ang ilang mga residente ng Albay sa Bicol
- Kasabay ito ng pagkakalubog din nila sa baha sa kasagsagan ng Bagyong Kristine
- Isa ang Albay sa labis na tinamaan ng hagupit ni 'Kristine'
- Patuloy ang paghingi ng tulong para sa mga kababayan natin sa Bicol Region
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Bukod sa matinding pagbaha na dinaranas ngayon ng Bicol region, nakaranas din umano ng lahar flow ang ilang residente sa Albay.
Sa mga ibinahaging larawan ng Philippine Star, makikitang nalubog sa lahar ng Mayon Volcano ang ilang sasakyan.
Ito ay bunsod pa rin sa malakas at walang humpay na pag-ulan na dala ng bagyong Kristine.
Isa ang Albay sa nakararanas ng matinding hagupit ng bagyo kung saan nalubog ang maraming kabahayan at establisyamento sa mataas at mala-ilog na baha.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Dahil dito, patuloy ang paghingi ng anumang klase ng tulong para sa mga kababayan natin sa Bicol.
Sa ulat ng DZRH Naga, ilang mga residente ang walang nagawa kundi ang manawagan ng tulong gayung hindi basta makalikas at hindi na rin sila agad na mapuntahan ng mga rescuers.
Ayon sa PAGASA, ang sentro ng bagyong Kristine ay huling nakita 345 km sa silangan hilagang-silangan ng Daet, Camarines Norte, na kumikilos patungong hilagang-kanluran sa bilis na 10 km bawat oras. Si Kristine ay may taglay na hangin na 75 km bawat oras malapit sa sentro, na may pagbugso na umabot hanggang 90 km bawat oras.
Sinabi rin ni PAGASA Weather Forecaster Benison Estareja na maaaring lumakas pa ang "Kristine" at maging isang malubhang tropikal na bagyo bago ito inaasahang tumama sa lupa sa mga darating na araw.
Kabi-kabilang mga video at photo update ang ibinabahagi ng netizens upang maipakita ang kasalukuyang kalagayan ng mga kababayan natin sa Bicol region na siyang nakararanas ng matinding hagupit ng Bagyong Kristine.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh