Ilang residente sa Albay, dinig ang iyak at pagsigaw ng tulong sa gitna ng bagyong Kristine
- Sapul sa isang video ang paghingi ng tulong ng ilang residente sa Albay
- Ito ay dahil sa hindi mapigil na pagtaas ng tubig baha sa bunsod ng pananalasa ng Bagyong Kristine
- Isa ang Albay sa Bicol region na nakararanas ng matinding hagupit ni Kristine
- Patuloy ang paghingi ng anumang klaseng tulong ang nasabing rehiyon na karamihan ng lugar ay lampas tao pa rin ang baha
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Kinig ang panaghoy ng ilang residente sa Brgy. Iraya Norte sa Oas, Albay na umano'y humihingi ng tulong sa kasagsagan ng Bagyong Kristine.
Dahil sa walang tigil na pag-ulan noong Oktubre 22, patuloy din ang pagtaas ng tubig na umabot na sa mga ikalawang palapag ng tahanan.
Katunayan, nagmistulang ilog na ang ilang lugar na talagang nangangailangan ng bangka upang makalikas.
Dahil dito, ilan sa ating mga kababayan ang hindi basta makalikas kaya naman tanging ang pagsigaw ng tulong ang kanilang nagagawa,
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa video ni Jay Lawrence na ibinahagi ng DZRH Naga, maririning ang "tabang po" o "tulong po" habang makikita ang pagragasa ng baha.
Hatinggabi papasok ang Oktubre 23 nang maglabas ng pahayag ang Bicol Regional Disaster Risk Reduction and Management Council kaugnay sa patuloy na pagbaha sa kanilang lugar bunsod ng pananalasa ng Bagyong Kristine.
Ito ay dahil sa hindi na umano kinayang tugunan ng rescuers ang panawagan ng mga residente partikular na sa Camarines Sur, Albay at Naga City. Hiling nila ang matinding pang-unawa sa sitwasyon.
Gayunpaman, patuloy ang panawagan ng Bicol region sa anumang tulong gayung bukod sa baha, gutom din ang inaabot ngayon ng ating mga kababayan doon.
Samantala, narito ang kabuuan ng video:
Ayon sa PAGASA, ang sentro ng bagyong Kristine ay huling nakita 345 km sa silangan hilagang-silangan ng Daet, Camarines Norte, na kumikilos patungong hilagang-kanluran sa bilis na 10 km bawat oras. Si Kristine ay may taglay na hangin na 75 km bawat oras malapit sa sentro, na may pagbugso na umabot hanggang 90 km bawat oras.
Sinabi rin ni PAGASA Weather Forecaster Benison Estareja na maaaring lumakas pa ang "Kristine" at maging isang malubhang tropikal na bagyo bago ito inaasahang tumama sa lupa sa mga darating na araw.
Kabi-kabilang mga video at photo update ang ibinabahagi ng netizens upang maipakita ang kasalukuyang kalagayan ng mga kababayan natin sa Bicol region na siyang nakararanas ng matinding hagupit ng Bagyong Kristine.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh