Doc Willie Ong, binahagi ang tingin niyang dahilan ng pagkakaroon niya ng cancer
- Ibinahagi ni Doc Willie Ong sa YouTube na siya ay may abdominal cancer
- Ayon kay Doc Willie, posibleng dulot ng stress ang kanyang sakit
- Na-stress umano siya dahil sa mga negatibong komento at bashers sa social media
- Pinaalalahanan niya ang kanyang mga tagasubaybay na iwasan ang stress at alagaan ang kanilang kalusugan
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Ibinahagi ni Doc Willie Ong ang kanyang pakikipaglaban sa abdominal cancer, at inamin niyang posibleng nakuha niya ito dahil sa stress. Sa nasabing video, tinanong niya ang sarili, “San ko nakuha 'to? Tingin ko stress,” habang binigyang-diin niya ang epekto ng mga negatibong komento at bashers sa kanyang kalusugan.
Pinaalalahanan ni Doc Willie ang kanyang mga tagasubaybay na huwag magpadala sa stress, lalo na mula sa social media. “Kaya kayo wag kayo magbabasa ng comments sa Facebook. Na-stress ako sa mga comments. Na-stress ako sa mga bashers. Kahit konti lang na-stress ako," aniya.
Dagdag pa niya, nasasaktan siya dahil sa mga maling akusasyon laban sa kanya. "Na-stress ako kasi hindi tunay lahat ng sinasabi dahil sobra ko kayong mahal. Sobrang mahal ko ang Pilipino. Sobrang mahal ko mga mahihirap tapos sasabihin nila na ginagamit ko lang," pagbubunyag ni Doc Willie.
Ang kanyang pahayag ay nagdulot ng pagsuporta mula sa kanyang mga tagahanga at netizens, na nagpaabot ng kanilang dasal at pagbati ng lakas para sa kanyang paggaling.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si Willie Tan Ong ay isang Filipino cardiologist, internist, at media personality na sumikat dahil sa pagbibigay ng mga payong medikal sa kanyang Facebook page at YouTube channel. Nakilala din siya sa programang Salamat Dok bilang isa sa mga resident medical expert at volunteer doctor mula 2008 hanggang 2018. Bukod pa rito, naging regular din siyang kolumnista sa The Philippine Star at Pilipino Star Ngayon kung saan nagsusulat siya tungkol sa kalusugan.
Matatandaang naikwento ni Doc Willie Ong na minsan siyang sumailalim sa hosting workshop ni Boy Abunda. Malaki ang pasasalamat niya sa kanyang 'Kuya Boy' na siyang humasa ng kanyang kakayahan ngayon sa pag-host tulad ng kanyang YouTube channel.
Ipinaliwanag din ni Doc Willie ang tungkol sa sinasabing sanhi ng pagpanaw ni Jovit Baldivino, ang an*urysm. Bagama't bata pa si Jovit sa karaniwang edad na tinatamaan nito, may ibang maaring dahilan kung bakit hindi siya nakaligtas sa pagkakaroon nito.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh