Dismissed Bamban, Tarlac MayorAlice Guo, muling na-cite for contempt ng Senado
- Idineklara ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na in contempt
- Ito ay sa ikalawang pagkakataon dahil sa umano’y pagsisinungaling tungkol sa kanyang pagkakakilanlan
- Ikinadismaya ni Senadora Risa Hontiveros ang patuloy na pagtanggi ni Guo na sagutin ng tama ang mga tanong ukol sa kanyang nasyonalidad
- Dinala si Guo sa Senado sa ilalim ng mahigpit na pagbabantay mula sa PNP Custodial Center sa Camp Crame
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Muling ipinatawag ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa pagdinig nitong Lunes, Setyembre 9, at idineklara siyang in contempt sa ikalawang pagkakataon dahil sa umano’y pagsisinungaling tungkol sa kanyang tunay na pagkakakilanlan.
Ayon kay Senadora Risa Hontiveros, chairperson ng komite, ikinadismaya niya ang patuloy na pagtanggi ni Guo na sagutin ng matapat ang mga tanong ng mga senador tungkol sa kanyang nasyonalidad, at ginagamit umano nito bilang dahilan ang mga kasong kinakaharap. "This is a blatant defiance of the legislative's constitutional power of inquiry. Lumalabas na pinaglalaruan mo ang aming batas at pinapaikot mo ang mga Pilipino, pero ibahin mo ang Senado," ani Hontiveros.
Si Guo ay dinala sa Senado sa ilalim ng mahigpit na pagbabantay ng mga pulis matapos siyang ilipat mula sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame, kung saan siya kasalukuyang nakakulong.
Dagdag pa ni Hontiveros, makikipag-ugnayan ang Senado sa hukuman sa Tarlac, na nag-isyu ng arrest warrant laban kay Guo, upang payagan itong manatili sa Senado hanggang matapos ang mga pagdinig ng komite.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ang pagdinig nitong Lunes ay ikalawang beses nang pagharap ni Guo sa komite matapos itong tumakas ng bansa noong Hulyo. Naaresto siya sa Jakarta, Indonesia kamakailan.
Si Alice Leal Guo ang Punong Bayan ng Bamban, Tarlac. Siya ay nanalo bilang punong bayan sa mga pambansang eleksyon noong 2022. Siya ay naging kilala sa buong bansa matapos madawit ang kanyang pangalan sa patuloy na imbestigasyon ng Senado ukol sa Philippine Offshore Gaming Operations o POGO at sa alegasyon ng paglaganap ng mga ilegal na dayuhang naninirahan sa bansa. Ang kanyang pangalan ay naging paksa ng maraming online memes mula noon.
Matatandaang si Sen. Risa Hontiveros ang nagtanong sa tunay na pagkakakilanlan ng suspindidong punong-bayan ng Bamban. Ipinakita ng senadora ang isang dokumento kung saan makikita ang isa pang "Alice Leal Guo."
Sinabi ni Sen. Hontiveros sa isang pahayag na ang National Bureau of Investigation (NBI) ay nakumpirma na ang mga fingerprint ni Mayor Guo ay tumutugma sa may-ari ng nabanggit na Chinese passport na si Guo Hua Ping.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh