Dating PRRD, nagsampa ng kaso kina Abalos, Gen. Marbil
- Ibinunyag nina DILG Secretary Benhur Abalos Jr. at PNP Chief Rommel Francisco Marbil na marami silang kinakaharap na kaso kaugnay sa paghuli kay KOJC Founder Apollo Quiboloy
- Kinasuhan sila ng mga kasapi ng KOJC ng administrative case, violation of domicile, at iba pa sa Davao RTC
- Nagsampa rin si dating Pangulong Rodrigo Duterte ng dalawang bilang ng malicious mischief laban kina Abalos at ilang police officials
- Gumamit ang mga awtoridad ng makabagong kagamitan upang mahanap si Quiboloy sa raid sa KOJC compound sa Davao City
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Ibinunyag nina Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. at Philippine National Police (PNP) Chief Rommel Francisco Marbil na patong-patong na mga asunto ang isinampa laban sa kanila dahil sa kanilang pagpupursige na maaresto si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Founder Apollo Quiboloy.
Sa isang press conference na ginanap sa Camp Crame, ipinahayag ni Abalos na kinasuhan siya ng mga kasapi ng KOJC sa Davao Regional Trial Court (RTC) ng iba't ibang kaso kabilang ang administrative case, violation of domicile, interruption of religious worship, offending the religious feelings, grave threat, at conduct unbecoming of a public officer.
Bukod pa rito, nagsampa rin si dating Pangulong Rodrigo Duterte ng dalawang bilang ng malicious mischief laban kina Abalos, Gen. Marbil, at ilang police officials. Si Duterte, na bagong administrator ng mga ari-arian ng KOJC, ay nagsampa ng kaso ng malicious mischief sa Davao RTC Branch 15, na isinasampa kapag may nasirang mga ari-arian.
Matatandaang nagsagawa ng raid ang mga awtoridad sa nasa 30 ektaryang compound ng KOJC sa Davao City, kung saan gumamit sila ng mga makabagong kagamitan tulad ng life and motion tracer, life detector equipment, at proton elicit device upang mahanap si Quiboloy.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ayon kay Abalos, bahagi ng kanilang trabaho ang ginawa nila at haharapin na lamang nila ang mga kaso sa hukuman.
Si Quiboloy ay isa sa mga pinakakontrobersiyal na pinuno ng simbahab sa bansa dahil na rin sa mga kontrobersiyang kinasangkutan nito. Matatandaang sinampahan siya ng kasong human trafficking ng isa niyang dating miyembro.
Matapos ang paglabas ng balitang may kaso laban kay Pastor Apollo Quiboloy, nagbigay siya ng babala. Aniya ay tigila na ang pang-uusig at pang-aalipusta sa kanya dahil lalong titindi ang pandemya kapag ipagpapatuloy pa ang umano'y binibintang sa kanya.
Inihayag ni Ogie Diaz ang kanyang opinyon kaugnay sa pagtutol ni Sen. Robin Padilla sa pag-aresto kay Pastor Apollo Quiboloy. Bunsod ito ng patuloy na hindi pagdalo ni Quiboloy sa imbestigasyon ng Senado sa umano’y pang-aabuso at human trafficking sa religious group.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh