Ilang nag-aral sa Grace Christian College, naging kaklase raw si "Hua Ping"

Ilang nag-aral sa Grace Christian College, naging kaklase raw si "Hua Ping"

- Inalala ng mga dating mag-aaral ng Grace Christian High School ang kanilang kaklase na si Guo Hua Ping

- Ayon sa NBI, si Guo Hua Ping ay siya ring si Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac

- Lumabas ang pangalan ni Guo Hua Ping sa pagdinig sa Senado ukol sa umano'y iligal na mga aktibidad sa POGO sa Bamban

- Ang mga larawan ng klase mula 2000 hanggang 2003 ay nagpakita ng presensya ng isang mag-aaral na kahawig ni Guo

Inalala ng ilang dating mag-aaral ng isang pribadong paaralan sa Quezon City ang kanilang kaklase mula sa kanilang maagang taon sa elementarya na si Guo Hua Ping, na ayon sa National Bureau of Investigation (NBI) ay siya ring si Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac.

Ilang nag-aral sa Grace Christian College, naging kaklase raw si "Hua Ping"
Ilang nag-aral sa Grace Christian College, naging kaklase raw si "Hua Ping"
Source: Youtube

Ayon sa ulat ni Darlene Cay sa "24 Oras," dalawang nagtapos mula sa Grace Christian High School ang nakaalala sa kanilang kaklase na si Hua Ping matapos lumabas ang pangalan nito sa pagdinig sa Senado kaugnay ng umano'y iligal na mga aktibidad sa Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) sa Bamban.

Read also

'Marites', ginaya si Lena: 'Rigor, gusto mo ng Liempo?"

Ang presensya ng isang mag-aaral na kahawig ni Guo sa mga larawan ng klase mula 2000 hanggang 2003 ay tumugma rin sa sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian na mga taong pinasok niya ang nasabing paaralan, na ngayon ay kilala bilang Grace Christian College.

Sinabi ni Gatchalian na nagbigay rin si Guo ng isang sertipiko ng kapanganakan mula sa China.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Alice Leal Guo ang Punong Bayan ng Bamban, Tarlac. Siya ay nanalo bilang punong bayan sa mga pambansang eleksyon noong 2022. Siya ay naging kilala sa buong bansa matapos madawit ang kanyang pangalan sa patuloy na imbestigasyon ng Senado ukol sa Philippine Offshore Gaming Operations o POGO at sa alegasyon ng paglaganap ng mga ilegal na dayuhang naninirahan sa bansa. Ang kanyang pangalan ay naging paksa ng maraming online memes mula noon.

Read also

Suspended Mayor Alice Guo, muling iginiit ang kanyang pagiging Pilipino

Matatandaang si Sen. Risa Hontiveros ang nagtanong sa tunay na pagkakakilanlan ng suspindidong punong-bayan ng Bamban. Nitong Miyerkules, ipinakita ng senadora ang isang dokumento kung saan makikita ang isa pang "Alice Leal Guo."

Sinabi ni Sen. Hontiveros sa isang pahayag na ang National Bureau of Investigation (NBI) ay nakumpirma na ang mga fingerprint ni Mayor Guo ay tumutugma sa may-ari ng nabanggit na Chinese passport na si Guo Hua Ping.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate