Suspended Mayor Alice Guo, muling iginiit ang kanyang pagiging Pilipino

Suspended Mayor Alice Guo, muling iginiit ang kanyang pagiging Pilipino

- Muling iginiit ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na isa siyang Pilipino at mahal niya ang Pilipinas

- Inanunsyo ni Senador Risa Hontiveros noong Hunyo 27, 2024 na kinumpirma ng NBI na nag-match ang fingerprints ni Guo at ng isang Chinese national na “Guo Hua Ping”

- Sa isang Facebook post noong Hulyo 12, sinabi ni Guo na hindi siya nagsisising pumasok sa politika kahit na labis siyang nasaktan nito

- Isang araw bago inilabas ng Senado ang arrest order laban sa kanya noong Hulyo 13, nagpahayag si Guo ng pasasalamat sa mga taga-Bamban sa kanilang suporta at tiwala

Matapos mabunyag ng National Bureau of Investigation (NBI) noong Hunyo 27, 2024 na iisa siya at ang isang Chinese national na "Guo Hua Ping," muling ipinagtanggol ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ang kanyang pagiging Pilipino.

Suspended Mayor Alice Guo, muling iginiit ang kanyang pagiging Pilipino
Suspended Mayor Alice Guo, muling iginiit ang kanyang pagiging Pilipino
Source: Facebook

Sa isang Facebook post noong Biyernes, Hulyo 12, ipinahayag ni Guo ang kanyang pagmamahal sa Pilipinas at sa mga taga-Bamban. Hindi raw siya nagsisisi sa pagpasok sa politika kahit na nasaktan siya ng labis dito.

Read also

Alice Guo, walang pagsisi na pumasok sa pulitika kahit aniya ay nasaktan siya

Isang araw bago ilabas ng Senado ang arrest order laban sa kanya noong Sabado, Hulyo 13, nagpahayag si Guo ng pasasalamat sa suporta ng kanyang mga tagasuporta at sinabing hindi siya susuko sa kabila ng mga hamon na kinakaharap.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ako po ay magdarasal na malagpasan ko po ang mga pagsubok na ito. A big portion of my heart will always be for Bamban, for my town. Kayo po ang nagpuno ng puwang sa aking puso.❤️ Kayo po ang aking inspirasyon.Spread LOVE and peace to one and all
Ako po ay isang FILIPINO. At MAY MALAKING puso for BAMBAN at mahal na mahal ko ang Pilipinas

Si Alice Leal Guo ang Punong Bayan ng Bamban, Tarlac. Siya ay nanalo bilang punong bayan sa mga pambansang eleksyon noong 2022. Siya ay naging kilala sa buong bansa matapos madawit ang kanyang pangalan sa patuloy na imbestigasyon ng Senado ukol sa Philippine Offshore Gaming Operations o POGO at sa alegasyon ng paglaganap ng mga ilegal na dayuhang naninirahan sa bansa. Ang kanyang pangalan ay naging paksa ng maraming online memes mula noon.

Read also

Guo Hua Ping, sa isang paaralan sa QC nag-aral at hindi nag-homeschool

Matatandaang si Sen. Risa Hontiveros ang nagtanong sa tunay na pagkakakilanlan ng suspindidong punong-bayan ng Bamban. Nitong Miyerkules, ipinakita ng senadora ang isang dokumento kung saan makikita ang isa pang "Alice Leal Guo."

Sinabi ni Sen. Hontiveros sa isang pahayag na ang National Bureau of Investigation (NBI) ay nakumpirma na ang mga fingerprint ni Mayor Guo ay tumutugma sa may-ari ng nabanggit na Chinese passport na si Guo Hua Ping.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate