Suspek sa pagpatay ng 3 katao sa Tagaytay, nakuhanan ng CCTV sa hallway ng hotel

Suspek sa pagpatay ng 3 katao sa Tagaytay, nakuhanan ng CCTV sa hallway ng hotel

- Nakunan ng CCTV ang isang lalaking suspek na umaalis sa kwarto ng mga biktima sa The Lake Hotel sa Tagaytay City

- Natagpuan ang tatlong biktima na sina David James Fisk, Lucita Barquin Cortez, at Mary Jane Cortez na nakadapa at wala nang buhay

- Nakatali ang mga kamay at paa ng mga biktima gamit ang kordon ng kuryente at mga sintas ng sapatos habang ang kanilang mga bibig ay natakpan ng packaging tape

- Nagsasagawa ng follow-up investigation ang Cavite police at isang tracker team upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek

Natagpuan ang dalawang Australyano at isang Pilipinong kasamahan nila na walang buhay sa loob ng kanilang hotel room sa Tagaytay City, ayon sa Cavite police noong Huwebes, Hulyo 11.

Suspek sa pagpatay ng 3 katao sa Tagaytay, nakuhanan ng CCTV a hallway ng hotel
Suspek sa pagpatay ng 3 katao sa Tagaytay, nakuhanan ng CCTV a hallway ng hotel
Source: Twitter

Kinilala ng Cavite police ang mga biktima na sina David James Fisk, 57, isang Australyano; Lucita Barquin Cortez, 55, isang Pilipinong ipinanganak na Australyano; at Mary Jane Cortez, 30, mula sa Oriental Mindoro.

Read also

CCTV footage bago natagpuang patay sa loob ng koste ang 2 bata, hawak na ng PNP

Ang tatlo ay nanunuluyan sa The Lake Hotel sa Barangay Maharlika West, Tagaytay City. Ayon sa ulat ng pulisya, anak ng manugang ni Lucita si Mary Jane.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Base sa CCTV footage, isang lalaking nakasuot ng itim na hoodie, maroon na shorts, at sapatos, at may dalang knapsack ang nakita na lumalabas mula sa kwarto ng mga biktima at papunta sa exit ng hotel.

Sinabi ng pulisya na isang tracker team ang sinusuri ang CCTV footage ng hotel at nagsasagawa ng follow-up investigation upang kilalanin ang suspek. Ayon sa Cavite police, isasailalim sa autopsy ang mga labi ng mga biktima upang matukoy ang sanhi ng kanilang pagkamatay.

Iniulat ng Australian media na mag-asawa ang mga Australyanong biktima at kinumpirma ng Department of Foreign Affairs and Trade ng Australia na nagbibigay sila ng consular assistance sa mga pamilya ng mga biktima.

Read also

JoWaPao, nawindang nang banggitin ng batang contestant si Vice Ganda

Ayon sa ulat ng 24 Oras, umakyat ang isang staff ng hotel upang ipaalam sa kanila ang oras ng pag-checkout at doon natagpuan ng staff ang mga bangkay ng mga biktima. Batay sa salaysay ng reporter, sinabi ng pulisya na nakatali ang mga kamay at paa ng mga bangkay.

Matatandaang naging mainit na balita din ang tungkol sa pagpaslang sa magkasintahang beauty pageant contestant at kanyang Israeli fiance kamailan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate