FL Liza Marcos, nag-trending dahil sa pag-inom sa wine glass ni Sen. Chiz Escudero
- Nagbigay ng pahayag si Senate President Francis "Chiz" Escudero kaugnay ng viral video kung saan uminom si First Lady Liza Araneta-Marcos sa kanyang wine glass sa Vin d'Honneur sa Malacañang Palace
- Sinabi ni Escudero na ang paghihintay sa isang babae, anuman ang uri, ay isang uri ng kabutihan at kagalang-galang na kilos
- Ipinakita sa video na ibinalik ni First Lady Marcos ang wine glass kay Escudero matapos ang insidente
- Kasama sa pagtitipon ang mga mataas na opisyal ng gobyerno at humigit-kumulang 84 na mga diplomat at dignitaries
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nagbigay ng pahayag si Senate President Francis "Chiz" Escudero kaugnay ng viral video na makikitang kinuha at uminom si First Lady Liza Araneta-Marcos sa hawak niyang wine glass sa Vin d'Honneur na ginanap sa Malacañang Palace nitong Miyerkules, bilang paggunita sa ika-126 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.
"I consider waiting on a lady (first or otherwise) to be gentlemanly," sabi ni Escudero nang tanungin tungkol sa insidente. "Maaaring sabihin ng iba na makaluma o parang 'under,' pero para sa'kin, hindi kailanman magiging makaluma o di uso, ano man ang itawag ng iba, ang pagiging maginoo at pakikipag-kapwa tao," dagdag pa ng senador.
Makikita sa video na pagkatapos uminom, ibinalik ng Unang Ginang ang naturang wine glass kay Escudero.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Kasama rin sa video sina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., Speaker Martin Romualdez, Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, Executive Secretary Lucas Bersamin, at iba pang mga opisyal at bisita.
Bukod sa mga opisyal ng pamahalaan, tinatayang 84 diplomats at dignitaries ang dumalo sa nasabing pagtitipon.
Si Francis "Chiz" Escudero ay isang kilalang politiko sa Pilipinas. Siya ay kasalukuyang Senate President ng Senado ng Pilipinas, na isa sa pinakamataas na posisyon sa lehislatura ng bansa.
Kamakailan ay binahagi ni Heart Evangelista ang isang paglilinaw kaugnay sa Senate Spouses Foundation, Inc. (SSFI). Matatandaang siya ang hinirang na president ng naturang foundation. Aniya, 1987 pa itinatag ang foundation na ito at ito ay non-stock at non-profit. Nakasaad din sa kanyang binahaging screenshot na walang matatanggap na sahod ang mga asawa ng senators na naluklok bilang mga opisyales ng naturang foundation
Pinuri ng mga netizens ang pagiging supportive at caring na stepmom si Heart sa paghahanda ng kanyang stepdaughter na si Chesi para sa kanyang unang prom. Ipinakita ni Heart sa Instagram Reel ang kanyang pagiging hands-on sa pag-aayos ng anak nila ni Sen. Chiz. Sa kabila ng lungkot na dulot ng pagkamatay ng dapat sana'y kanilang ikaapat na anak na si Francisko, ipinakita pa rin ni Heart ang pagmamahal sa kanyang pamilya at pagiging mapagmahal na ina. Marami ang bumilib kay Heart at napa-sana all kay Chesi dahil mismong si Heart na isang fashion icon ang nag-ayos sa kanya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh