'Di pagpasok ni Celeste Cortesi sa Top 16, pagtatapos din ng Miss Universe streak sa bansa
- Hindi nakapasok sa semi-finals ang pambato ng Pilipinas sa katatapos lamang na Miss Universe 2022
- Dahil dito, naputol na rin ang 12 taon na Miss Universe streak ng bansa
- Nagsimula ito kay Venus Raj noong 2010 na tinanghal na 4th runner-up at ang pinakahuli ay si Beatriz Luigi Gomez na nakapasok sa Top 5
- Gayunpaman, feeling winner pa rin ang marami nating kababayan matapos na magwagi si R'Bonney Gabriel bilang bagong Miss Universe na isa umanong Filipino-American
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Naputol na ang Miss Universe streak sa bansa. Ito ay matapos na hindi nakapasok sa semi-finals o Top 16 ang pambato natin ngayong taon na si Celeste Cortesi
Nalaman ng KAMI na hindi pinalad si Celeste na sa kasamaang palad, nakatatanggap na ng ilang 'di kaaya-ayang komento sa preliminary competition pa lamang.
Matatandaan na mula noong naging 4th runner-up si Venus Raj sa taong 2010, sunod-sunod na nakakapasok ang bansa sa semi-finals.
At dalawa naman sa streak na ito ang labis na pinalad nang tanghalin bilang Miss Universe 2015 si Pia Wurtzbach at Miss Universe 2018 Catriona Gray.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Ibinahagi ng Rappler ang animo'y listahan ng mga pambato ng bansa na pinalad na makasama sa Top 20, top 5, top 3, runners-up at maging ang title-holder mismo.
Gayunpaman, nakakaramdam pa rin ng kasiyahan ang mga Pinoy sa pagkapanalo ng Fil-American na si R'Bonney Gabriel bilang pinakabagong Miss Universe.
"I'm a Filipina-Texan. My dad is from the Philippines. He came on a college scholarship with $20 in his pocket and my mom is from Belmont, they’re a match made in heaven. Growing up with 2 different cultures has made me what I made, because the family dynamic is so different, on my mom and dad’s side, and that has made me a very open-minded person,” pahayag ng bagong Miss Universe sa nagdaan niyang interview.
Narito ang video ng YouTube channel na Beauty Pageant kung saan makikita ang iba't ibang pambato ng Pilipinas na nakapasok sa semi-finals at ang iba'y tinanghal pang Miss Universe:
Samantala, Isa sa natalakay sa pinakabagong Ogie Diaz Showbiz Update kamakailan ay ang laban ni Celeste Cortesi sa noo'y ginaganap pa lamang na 71st Miss Universe sa New Orleans, Louisiana USA.
Umani kasi ng iba't ibang reaksyon ang pre-pageant performance ni Celeste.
"Kung ano-ano na naman ang komento ng mga accla! Mixed reaction sila," ani Mama Loi.
"May mga natutuwa, May nakukulangan, may nagkukumpara," dagdag pa niya.
Dahil dito, hindi rin maiwasan na maikumpara si Celeste sa mga naging pambato ng Pilipinas na sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at Miss Universe 2018 Catriona Gray na naiuwi ang korona dahil sa pagpapakitang-gilas sa prestihiyosong pageant.
Hindi man nakasampa sa Top 16 ng pageant, pinasalamatan pa rin ng maraming kababayan natin si Celeste na buong tapang na kinatawan ang bansa sa katatapos lamang na 71st Miss Universe.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh