Andrew Schimmer, idinaan sa pag-post ng lyrics ng kanta ang pangungulila sa fiancé

Andrew Schimmer, idinaan sa pag-post ng lyrics ng kanta ang pangungulila sa fiancé

- Idinaan ni Andrew Schimmer sa pag-post ng lyrics ng kantang Malibu Nights ng bandang LANY

- Kalakip ng binahagi niyang lyrics ng kanta ay ang picture ng puntod ng kanyang pinakamamahal na fiancé na si Jho Rovero

- Marami naman sa mga followers at netizens ang nakiramay at nagbahagi ng mensahe para palakasin ang loob ng aktor

- Matatandaang nitong December 20, 2022 pumanaw ang kanyang partner at ina ng dalawang anak niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Andrew Schimmer ang kanyang pangungulila at pagdadalamhati sa namayapang partner niyang si Jho Rovero. Idinaan niya sa lyrics ng kantang Malibu nights ang pagbahagi ng kanyang saloobin.

Andrew Schimmer, idinaan sa pag-post ng lyrics ng kanta ang pangungulila sa fiancé
Andrew Schimmer, idinaan sa pag-post ng lyrics ng kanta ang pangungulila sa fiancé (@facebook.com/johnandrew.schimmer)
Source: Facebook

Kalakip ng binahagi niyang lyrics ng kanta ay ang picture ng puntod ng kanyang pinakamamahal na fiancé na si Jho. nakatakda sana silang ikasal ngunit hindi na ito umabot dahil pumanaw ito noong December 20, 2022.

Read also

'Di pagpasok ni Celeste Cortesi sa Top 16, pagtatapos din ng Miss Universe streak sa bansa

Marami naman sa mga followers at netizens ang nakiramay at nagbahagi ng mensahe para palakasin ang loob ng aktor.

Narito ang ilan sa mga mensahe para kay Andrew:

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Andrew when you feel empty go and see those babies resting peacefully so that your heart is full of love. Please hang. In there for those sweet children. They as you were troopers through this whole thing. She is watching and smiling down on you
We all grieve in our own way. No way is right, you just do what you need to do..Your beautiful children need their dad now more than ever. Keep talking to us and be kind to yourself
No comforting words brother! Grieve. Sob. Shout. Question. But leave even a little strength for your kids and to those who love you. Pray. Rest. Get up again! In time

Read also

Miss Universe 2022, pinasalamatan ang kanyang Filipino supporters

Si Andrew Schimmer ay isang aktor sa Pilipinas na sinilang noong June 10, 1986 sa Manila, Philippines. Ilan sa mga sumikat na pelikulang kinabilangan niya ay Babangon Ako't Dudurugin Kita (2008), Gagamboy (2004) at Resiklo (2007).

Nagdala ng bulaklak ang anak ni Andrew na si Xander para sa kanyang mommy na si Jho. Aniya, pink at white ang pinili niyang bulaklak dahil alam niyang gusto ng mommy niya ang ganoong kulay ng bulaklak. Ito umano ang Christmas gift niya para sa kanyang mommy. Marami ang naantig sa video na ito kung saan kinakausap ni Xander ang kanyang mommy.

Dinalaw ng mga anak ni Andrew ang kanilang Mommy na si Jho Rivero sa puntod nito. Sa Facebook story ng Facebook page nilang The Schimmers, makikita ang magkapatid sa tabi ng puntod ng kanilang mommy. Nakalagay naman ang mga salitang "New Year with Mommy" sa binahaging picture. Marami ang naantig at nalungkot lalo na para sa mag-aamang naiwan ni Jho na nagdiwang ng pasko at bagong taon na hindi nila kasama si Jho.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel