Cong. Guanzon sa pagtulong sa mga kasambahay: "Pagmalasakitan ang mga walang boses"

Cong. Guanzon sa pagtulong sa mga kasambahay: "Pagmalasakitan ang mga walang boses"

- Ayon kay Cong. Rowena Guanzon, nilapit at pinagkatiwala sa kanya ang dalawang kasambahay na kanyang kababayan

- Dagdag pa niya, obligasyon niya na tulungan ang mga taong nanghihingi ng tulong sa kanya

- Nabaggit din niya sa kanyang Facebook post na dapat na mas pagmalasakitan ang mga taong walang boses

- Matatandaang unang nilabas ni Cong. Guanzon ang tungkol sa naging kalagayan ng dalawang kasambahay sa pamamagitan ng isang tweet

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sinabi ni Cong. Rowena Guanzon na obligasyon niyang tulungan ang dalawang kasambahay na inilapit sa kanya. Sa kanyang Facebook post ay sinabi niyang dapat na mas pagmalasakitan ang mga taong walang boses.

Cong. Guanzon sa pagtulong sa mga kasambahay: "Pagmalasakitan ang mga walang boses"
Cong. Guanzon sa pagtulong sa mga kasambahay: "Pagmalasakitan ang mga walang boses" (facebook.com/attyrowenaguanzon)
Source: Facebook

Matatandaang sa kanyang naunang tweet ay naibahagi niya ang tungkol sa ginawang pagtulong ng kaibigan niya sa dalawang kasambahay na umano ay pinaalis sa isang village na hindi sinasahuran.

Read also

Pokwang, ayaw idamay ang pamilya sa dinadala niya kaya inilihim ang paghihiwalay nila ni Lee

Kababayan ko po yung dalawang kasambahay mga taga negros din sila, inilapit sila saakin at nagtiwala. obligasyon ko na tulungan ang mga nanghihingi ng tulong hindi ng ano pa man dahil dapat na mas pagmalasakitan natin ang mga walang boses.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Atty. Rowena Guanzon ay isang abogado, public servant at politician. Siya ang kaka-retire lamang na commissioner ng COMELEC na nag-serbisyo sa nasabing ahensya mula 2015 hanggang 2022. Bago ang kanyang pagreretiro, naging matunog ang kanyang pangalan kaugnay sa disqualification case ng nangunguna ngayon sa pagka-pangulo na si Bongbong Marcos.

Matatandaang sinagot ni Ruffa Gutierrez ang lumabas na balita tungkol sa umano'y pinalayas na kasambahay. Ani Ruffa, wala siyang sinisante at nais umanong umalis ng dalawang kasambahay. Madalang lang umano siyang nakakauwi sa kanilang bahay dahil araw-araw ay nasa shooting siya ng pelikulang "Maid in Malacañang." Matatandaang, tinanong siya ni Atty. Rowena Guanzon tungkol dito matapos umanong tulungan ng kanyang kaibigan na pinalayas ng amo nila.

Read also

Zeinab Harake, masaya na daw na sila lang ng anak niyang si Bia ang magkasama

Nilinaw ni Ruffa sa kanyang sagot kay Atty. Guanzon ang dahilan ng pag-alis ng dalawang kasambahay niya. Aniya, dalawang linggo pa lamang sa kanila ang dalawang kasambahay na nang-aaway umano ng ibang kasamahan nila sa bahay. Nakipag-away umano ito sa kanyang mayordoma na 68 taong gulang at 18 taon nang nagtatrabaho sa kanila. Nangyari umano iyon habang nasa trabaho ang aktres kaya minabuti ng kanyang staff na tumawag ng security para masigurado ang kaligtasan ng mga anak ni Ruffa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate