GMA News reporter na si Oscar Oida, nakalabas na sa ospital
- Ibinahagi ni MJ Marfori ang kanilang matinding pinagdaanan nitong nakaraang dalawang linggo
- Ito ay matapos ma-ospital ang kanyang asawang GMA News reporter na si Oscar Oida
- Ani MJ, dumaan sila sa dalawang ER, ICU at dumaan din sa pagpapa-dialysis ang kanyang asawa
- Gayunpaman, ibinahagi ni MJ na nakauwi na sila sa kanilang bahay ngunit patuloy pa ring inoobserbahan ang kalagayan ng kanyang mister
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Sa isang Instagram post, ibinahagi ni MJ Marfori ang picture ng kanyang asawang si Oscar Oida na nasa ospital. Ayon kay MJ, dumaan sila sa dalawang ER, ICU at nagpa-dialysis ang kanyang asawa.
Hindi umano biro ang kanilang pinagdaanan nitong nakaraang dalawang linggo ngunit aniya ay nakausi na sa kanilang bahay ang kanyang mister.
To say that the last 2weeks was traumatizing & difficult is an understatement. We’ve been to 2 er’s, ICU, dialysis & an extended hospital stay. But w/ your prayers, support & encouragement… God is SO good & now we are home and Oscar is recuperating while on bedrest for the next weeks. Please continue praying with me for @oscaroida’s COMPLETE recovery.
Pinasalamatan din niya ang lahat ng nagdasal para sa kanyang asawa.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
usto ko rin mag thank you again sa lahat ng prayer warriors, team of doctors, friends/family na nagpadala ng words of encouragement checking in on me & Aerin, sending balloons, food, flowers etc. Malaking bagay kaya lumalaban kami lalo na si Oscar. God is good. PHIL 4:6-7
Si Oscar Oida ay isang taga-ulat sa telebisyon sa Pilipinas. Nag-uulat siya ng mga balita sa 24 Oras at Brigada na pinapalabas ng GMA Network. Nakikita rin siyang nag-uulat ng balita sa dating bawat-oras na programang balita nag GMA Flash Report. Nagtapos siya sa Unibersidad ng Pilipinas.
Noong Enero 30, 2016, kinasal si Oida kay MJ Marfori na isa ring taga-ulat ngunit sa TV5 ang kanyang network.
Matatandaang naging usap-usapan din ang dating GMA reporter na si Steve Dailisan dahil sa kanyang mga naging trabaho matapos niyang tumigil sa pagiging reporter.
Source: KAMI.com.gh